Mark at misis, naka-babae na!

Sinilang na ang second baby nina Mark Herras at Nicole Donesa noong nakaraang June 25.
Pinost ni Mark via Instagram ang black and white photo niya karga ang newborn daughter with the caption “M i J A. “
Nakatanggap ng congratulatory messages ang mag-asawa mula kina Joross Gamboa, Rodjun Cruz, Kimpoy Feliciano, Paolo Paraiso, and Patrick Garcia.
Ang panganay nila ni Nicole na si Corky ay four years old na.
Ang anak naman ni Mark na si Ada Sofia Nicolette Herras mula sa handler niya noon sa GMA Artist Center na si Diane Evangelista ay 10 years old na pala.
Anyway, pagkatapos ma-link at magkaroon pa ng demandahan drama si Mark kay Jojo Mendrez, balik sa pag-perform ang actor-dancer sa iba’t ibang venues.
Miss at Mister Supra, hindi na-zero
Kahit hindi nila nauwi ang titles na Miss and Mister Supranational 2025, naging maganda ang performance ng ating representative na sina Tarah Valencia and Kenneth Cabungcal.
Nag-place si Tarah as third runner-up sa naturang pageant at si Miss Brazil Eduarda Braum ang nagwaging Miss Supranational.
Maganda rin ang sagot ni Tarah sa Q&A portion: “Many young people today struggle with confidence and self-worth. What advice would you give them to help them embrace who they are?
Sagot niya: “A lot of individuals would always bring you down, but I say this this because I experienced this, but I was able to battle this by giving myself positive affirmations, such as ‘I am worthy,’ ‘I am capable,’ and ‘I can do anything through my power and through my own voice, and that’s what every individual should do to have their own self-worth.“
Si Kenneth Cabungcal ng Dumaguete City ay nakuha ang 4th runner-up place at si Lavigne Swann of France ang nanalong Mister Supranational.
Sa final Q&A round, pinagmalaki niya na fish vendors ang kanyang parents na naging malaking impluwensya sa buhay niya.
Brad Pitt, nilooban ang bahay!
Nilooban pala ang bahay ng Hollywood actor na si Brad Pitt sa Los Feliz, Los Angeles.
Ayon sa LA Police Department, they responded to an alarm call and three suspects invaded the property. Dumaan ang mga ito sa front entrance ng bahay habang may workers na nagtatrabaho sa tapat ng property.
Wala pang report kung ano ang mga gamit na ninakaw sa loob ng bahay.
Wala si Pitt sa kanyang bahay noong pinasok ito ng mga magnanakaw.
“He’s been on overseas on a worldwide promo tour of his film F1,” ayon sa rep ng Oscar-winning actor.
Sunud-sunod ang mga nagaganap na nakawan sa LA homes ng celebrities. Naging biktima rin sina Nicole Kidman, Jeremy Piven, Marshmello, and Austin Butler.
- Latest





















