^

Pang Movies

Grae, seseryosohin na ang career 

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Grae, seseryosohin na ang career 
Grae at Melissa

Natutuwa kami sa panganay na anak ng actor na si Mark Anthony Fernandez, ang young actor na si Grae Fernandez dahil kinarir nito na ma-enhance ang kanyang acting matapos nitong mag-aral ng acting program sa kilalang Stella Adler Studio in New York City, USA na umabot ng dalawang taon.

Si Grae ay panganay na anak ng dating mag-partner na sina Mark Anthony at Melissa Garcia at panganay na anak ng yumaong action star na si Rudy Fernandez at veteran actress and former politician na si Alma Moreno.

Pinasok na rin lang ni Grae ang acting career, gusto niya itong pagbutihin nang husto kaya siya nag-enrol sa Stella Adler Studio kung saan nag-aral ng acting ang marami sa Hollywood stars.

Ngayong tinapos na niya ang kanyang two-year acting program ay handang-handa siya na muling sumabak sa acting sa tulong ng kanyang home studio, ang Star Magic ng ABS-CBN.

Huli siyang napanood sa 2024 primetime series na Pamilya Sagrado na pinagbidahan ni Piolo Pascual.

GRAE FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with