Terrence, handang makasama ulit si Vice

Nakabangon nang muli ang basketball Superstar na si Terrence Romeo mula sa malaking kontrobersiya na kinasangkutan noong 2022 kung saan ay nadamay siya sa scam issue ng kanyang ex-wife.
Humarap ang star cager sa entertainment press nitong nakaraang Sunday para sa mediacon and contract signing bilang first celebrity endorser ng ABCVIP online gaming.
Aminado naman si Terrence na talagang naapektuhan siya ng mga pangba-bash noon sa kanya ng mga netizens kahit wala naman siyang kinalaman sa pangyayari. “Maraming mga tao ang nag-jump sa conclusion na may idea ako sa mga nangyayari pero hindi nila alam na wala akong idea sa mga nangyayari. In fact, ako pa ‘yung naloko, ako pa ‘yung nawalan ng pera, ako pa ‘yung pina-invest,” aniya.
Good thing, marami naman daw taong tumulong sa kanya para unti-unti siyang makabangon. “Na-prove ko naman na talagang wala akong kahit na sinon’g tao na kinausap or niloko just to earn sa kanila,” aniya.
Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, ngayon ay okay naman na raw siya at naka-focus na lang siya sa kanyang career lalo pa nga’t may dumating na bagong endorsement sa kanya.
Natanong din si Terrence kung willing din ba siyang subukan ang acting at sey niya, wala raw siyang kaalam-alam sa departamentong ito pero open naman daw siya kung may opportunity na darating.
Dahil dito ay natanong din siya kung willing ba siyang makatrabaho si Vice Ganda na dating na-link sa kanya. “Oo naman. Sino naman ako para tumanggi?” aniya.
Anyway, excited si Terrence sa kanyang bagong endorsement dahil hindi lang daw basta online casino ang ABCVIP.
Nag-start na nga raw sila ng charity project at nagpakain sila ng mga bata sa isang charitable institution nitong nakaraang Sabado.
Bianca, hindi na takot sa tao
Sobrang overwhelmed si Bianca Umali sa matinding suporta at pagmamahal na natatanggap niya ngayon mula sa publiko dahil sa maikling stint niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kahit nga ilang araw na siyang nakalabas sa Bahay ni Kuya bilang house guest ay wala pa ring tigil ang mga positive reviews na natatanggap niya. Pati ang mga videos niya sa loob ng PBB house ay viral pa rin hanggang ngayon.
Kaya naman sa latest post ni Bianca sa kanyang Instagram, walang tigil ang kanyang pasasalamat sa madlang people. Naging emosyonal ang aktres at sinabing hindi raw niya mapigilan ang umiyak.
Narito ang mahabang post ni Bianca:
“This is the most that I have ever felt love in my life from the outside world.All my life, from being an orphan to discovering life alone, I thought the only love I would ever have, deserved and will never lose was my Lola’s. I was contented and whole. But now? Oh wow...
“As I was praying… God gave me the answer. This is what love is. This is a version of the love I thought I would never have… this is the love of my Mommy and my Daddy being showered upon me through all of you and words aren’t even enough to express the state I am experiencing. This is surreal. I am over the moon…Salamat po, for having the time to listen to my story.
“Grabe… posible pa po pala ito? Ang makaramdam ng pagmamahal na higit pa sa alam at inaasahan mo buong buhay mo.Ka mahal mahal po pala ako ng ganito ka sobra. I never knew I could be loved this much!!!” aniya pa na tila hindi pa rin makapaniwala.
“Ngayon, I have learned na - hindi na ako magisa at lalong hindi na ako dapat matakot sa mga tao at sa mundo. Alam ko na po ito dahil po sa inyo,” saad pa ng aktres.
“Ama, taos puso po akong nagpasasalamat sa inyo para po sa biyayang mga pangyayari na ito! Kahit kailan ay hindi po ako humiling… at sobra sobra pa po ang binibigay ninyo!
“From the bottom of my heart, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO DIN PO KAYONG LAHAT! If only I could hug each and every one of you… ng mahigpit!!!
“Ayun lang po… okay Iyak lang po ako ulit wait lang poooo… brb hayyy,” sey pa ng aktres na nasa cloud nine pa rin dahil sa labis na kaligayahan.”
- Latest

























