^

Pang Movies

Heaven at Marco, hiwalay na rin?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heaven at Marco, hiwalay na rin?!
Marco Gallo at Heaven Peralejo
STAR/File

Tsinek namin ang Instagram ni Heaven Peralejo dahil sa tsikang in-unfollow na niya ang boyfriend na si Marco Gallo.

Burado na rin daw sa IG niya ang photos nila ni Marco at ang itinira lang ay ang videos at endorsement nila.

We also checked Marco’s IG at parang hindi siya nag-delete ng photos nila at naka-follow pa rin daw ito sa aktres. Mas maraming photos nila ni Heaven sa IG ni Marco.

Naniniwala ang fans nila na may LQ (lover’s quarrel) lang ang dalawa at magkakaayos din. May nag-comment naman na nag-iingay lang ang mga ito dahil may show sila sa Viva at nagpo-promote lang sila.

May fans naman sila na nanghihinayang kung totoong break na sila dahil sobrang sweet daw nila at para ngang kasal na lang ang kulang.

John, umiwas ma-bash sa bonding sa anak!

Sayang at naka-off ang comment box ng Instagram ni John Estrada, ang ganda sanang mabasa ang mga comment sa post niya na kasama ang anak nila ni Priscilla Meirelles na si Anechka. Base sa IG ni John, last March 24 pa ang last post niya with his daughter.

Sabi ni John, “Went to watch my daughter’s play in her school. You are Exceptional My Love, Great Job. Didis sooo proud of you, I love you with all of my Heart.”

In fairness, matagal nang naka-off ang comment box ng IG ng actor at hindi lang sa post niya with his daughter niya in-off.

Tsinek namin ang IG ni Priscilla at wala siyang post kasama ang anak sa school play nito. Parang si John lang ang pumunta at nanood. Binigyan siguro ni Priscilla ng moment ang mag-ama to bond.

Joross, nanlito sa update sa KathDen!

Sa mediacon ng Sanggang Dikit FR, napatunayan naming hindi lang life sa mga party si Joross Gamboa, life of the presscon din siya dahil sa kanyang antics.

Pati nga sa mga solo interview sa kanya, nagpakuwela rin siya, hindi tuloy alam ng press kung seryoso siya o nagbibiro sa kanyang mga sagot.

Tapos, bitin pa ang mga sagot nang tanungin tungkol kina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sabagay, hindi isyu o istorya niya ang naging relasyon nina Alden at Kathryn nang mag-shooting ng Hello, Love, Again sa Canada. Kaya tama lang ang patumpik-tumpik na sagot ni Joross.

Nabanggit ni Joross na magku-quit na sana siya sa showbiz, kaya lang, dumating ang offer ng GMA na maging part siya ng series nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Bago pa maniwala ang press, agad binawi ni Joross ang nabanggit na pagre-retire dahil five minutes lang daw niya naisip.

Isang pulis ang role ni Joross sa nasabing action-comedy series at sa trailer, parang iniinis niya si Jennylyn na isa ring pulis ang role.

To know more about Eric Garcia (Joross), panoorin ang Sanggang Dikit FR, premiere na sa June 23, 8:50 p.m., sa direction nina Kevin de Vela at L.A. Madridejos.

HEAVEN PERALEJO

MARCO GALLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with