Jane, pinalitan si Bianca

Halos lahat pinuri ang kasipagan ni Bianca Umali sa Bahay ni Kuya dahil ilang araw lang siya roon, nalinis na nito ang buong bahay. Mula sa sala, kitchen, girls’ bedroom at pati nga ang bedroom ng boys, nilinis nito. Pati mga sapatos ng boys, inayos niya na ikinatuwa ng viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition dahil nasanay silang makita ang boys room na magulo at marumi.
May isa lang kontrabida na nag-comment ng papansin lang daw si Bianca. Ayun, inaway siya ng nanonood ng PBB, kinuyog siya ng mga hindi natuwa sa kanyang comment.
Proud naman si Ruru sa positive comments para kay Bianca.
Nakalabas na sa Bahay ni Kuya si Bianca at sa isang interview, nabanggit na sinabi niya kay Kuya na kung kailangan nito ng maglilinis ng bahay, ready siya na bumalik.
Sa pag-alis niya sa Bahay ni Kuya, binigyan siya ng nameplate sa pangalan ng mom niya na ikinaiyak ni Bianca.
Favorite pala ng mom niya ang PBB at sa kanyang pagiging houseguest, parang natupad daw ang dream ng mom niya na mapasok siya sa Bahay ni Kuya.
Si Jane de Leon ang pumalit kay Bianca na houseguest sa Bahay ni Kuya, inaabangan ng viewers kung ano ang gagawin nito sa loob. Pati kung ano ang kanyang ikukumpisal sa housemates.
Lito at LT, ayaw tigilan
Aliw ang mga comment sa music video (MV) nina Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino at kahit sinabi na MV lang ‘yun, may comment pa rin ang netizens. Mas guwapo raw ang husband ni LT na si the late Rudy Fernandez kay Lito. Sagot ng maka-Lito, kaso wala na si Rudy.
Ang ikinagulat namin, may shippers pala sina LT at Albert Martinez at sabi ng mga ito, bagay daw ang dalawa.
Si Albert lang daw ang nakikita nilang older guy na babagay kay LT at higit sa lahat, biyudo ang aktor at walang magiging isyu kapag naging sila.
Tanungin natin si Lolit Solis kung pabor siya sakaling maging sina LT at Albert nga ang maging endgame.
- Latest




















