^

Pang Movies

Drew, pumuntos sa commission on population

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Drew, pumuntos sa commission on population
Drew Family

Ang bongga ni Drew Arellano na pinuri ng Commission on Population and Development (CPD) dahil sa pagpapa-vasectomy niya.

Sey raw ng CPD executive director na si Usec. Lisa Grace Bersales, kailangan daw natin ng mga lalaking gaya ng mister ni Iya Villania na mag-encourage ng mga lalaki na akuin ang mas malaking responsibilidad sa pagtiyak ng kapakanan ng kanilang partner at mga anak nila sa pamamagitan ng responsible parenthood at family planning.

Good news daw talaga ang ginawa ni Drew sa gitna ng mababang bilang ng kalalakihan na nakikiisa sa family planning.

Dagdag ng CPD na madalas ay kababaihan ang gumagawa ng family planning.

Tama nga raw ayon sa followers ang ginawa ng CPD na mas i-romanticize pa ang pagpapa-vasectomy ng kalalakihan para ma-normalize na ito.

Malaking tulong na ang celebrity na gaya ni Drew ang gumawa nito at bilang patunay na hindi kabawasan sa pagkalalaki ang pagpapa-vasectomy.

Kaya sa mga nagsasabi ng OA ang ginawang pagpuri kay Drew, tama lang daw iyon tutal naman makatarungan na ang babae na ang naghirap manganak.

‘Kaloka na pati iyon pinagtalunan ng bashers ha. Deserved nga raw ni Drew na maging official ambassador ng CPD. Bongga.

DREW ARELLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with