^

Pang Movies

Billy at Coleen, gustong maka-babae!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Billy at Coleen, gustong maka-babae!
Billy at Coleen

Sobrang honored ang popular Viva singer and songwriter na si Arthur Nery dahil binigyan siya ng malaking break ng Viva at ng TV5 na maging miyembro ng panel of judges ng magbabalik sa ere ng kakaibang celebrity singing reality show, ang ikatlong edisyon ng Masked Singer Pilipinas hosted by Billy Crawford na magsisimulang mapanood muli sa Kapatid Network ngayong May 17, Sabado and May 18, Sunday and every Saturday and Sunday thereafter sa loob ng 13 weeks o isang season.

Makakasama ni Arthur ang Concert Queen na si Pops Fernandez, Janno Gibbs at Nadine Lustre.

Ang kaibahan lamang ni Arthur sa ibang hurado ay naging contestant mismo siya ng Masked Singer Pilipinas nung 2nd season nung 2022 where he ended up as 3rd runner-up.

Kakaiba at mahirap ang pagdya-judge sa mga celebrity participant dahil ang iba sa kanila, if not all ay iniiba ang boses at inilalayo sa boses na identified sa kanila at madali silang makikilala. Pero kung sino ang lulutang na pinakamagaling at pinaka-popular ay siyang aabot sa Top 3 face-off kung saan ang isa sa kanila ang tatanghaling grand winner at siyang makakapag-uwi ng Gold Mask Award at iba pang papremyo.

Tatlong taon din ang hinintay bago nasundan ang 2nd season nung 2022.

Ang Masked Singer Pilipinas, na meron ding sari­ling version ang Amerika, ay nag-originate sa South Korea sa pamamagitan ng King of Mask.

Samantala, excited si Billy Crawford sa ikatlong season ng Masked Singer Pilipinas dahil panibagong hamon na naman ito hindi lamang sa kanya bilang host kundi maging sa bagong panel of judges maging ang audience.

Speaking of Billy, excited din ito ngayon sa kanilang magiging second baby ng wife niyang si Coleen Garcia.

Given the choice, sana raw ay baby girl na although welcome sa kanila kung boy muli ang ipagkakaloob sa kanila ng Diyos.

Still on Billy, sana raw ay bumalik ito sa kanyang hosting job sa ABS-CBN tulad ng dati dahil pahinga muna sa kanyang hosting job si Luis Manzano dahil sa pagpasok nito sa larangan ng pulitika. 

Luis is his mother’s (Vilma Santos-Recto) running-mate bilang vice governor ng Batangas.

Dahil sa pansamantalang pagpapahinga ni Luis sa paghu-host, sobrang in demand ngayon sa bakuran ng ABS-CBN bilang host sina Robi Domingo at Melai Cantiveros.

BILLY CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with