^

Pang Movies

Pagbabalik ng MMK, limited sa 13 episodes

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pagbabalik ng MMK, limited sa 13 episodes
Charo Santos-Concio
STAR/File

Magbabalik ang Maalaala Mo Kaya (MMK) sa bago nitong tahanan sa iWantTFC simula April 24 (Huwebes).

Hatid ng pagbabalik ng MMK at ng orihinal nitong host na si Charo Santos-Concio kasama ang mga bagong kwentong sasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa bago nitong kabanata na mapapanood din sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula April 26 (Sabado).

Ibibida rin ng MMK ang bago nitong istilo ng pagkukuwento sa 13 limited episodes na magbibigay ng pagkakataon sa Gen Z at Millennials na maging bahagi ng bawat kwento at usapan sa social media.

Tampok sa unang episode ng pagbabalik ng MMK ay ang kwento ni The Voice USA Season 26 champion Sofronio Vasquez III na susundan naman ng kwento ng isa sa mga miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI.

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

Dennis tiklop na, Marjorie sinusulsulang magdemanda

Binura na ni Dennis Padilla ang wedding photo ng anak na si Claudia sa mister na nitong si Basti Lorenzo sa Instagram kung saan siya unang nagreklamo na naitsapwera siya bilang father of the bride.

Wala na rin itong reaction sa mga naging pasabog ni Marjorie Barretto na hinahamon namang idemanda ang ex.

Anyway, tuloy naman ang panlalait ngayon kay Dennis lalo na at kumalat pa ang video kung saan nag-promote siya ng binebentang bagoong na may dalawang flavor, sweet and spicy na kasama sa pinanregalo niya sa ikinasal na anak. OA raw na talagang ginamit pa ang ikinasal na anak sa pagpo-promote ng bagoong.

KimPau, mas pinasikat ang Jones Bridge

Showing pa hanggang sa kasalukuyan ang pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Almost three weeks na ito sa mga sinehan at ang dami pa ring screening sa abroad. Two days ago ay nasa Dubai ang KimPau.

At bukod sa maraming halikan nila, nai-promote rin nila sa MLWMYD ang Jones Bridge kung saan maganda na ulit at bonggang pasyalan.

Na ayon sa Honorary President ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na pag-aari ang Lamoiyan Corporation (maker of Hapee toothpaste) na si Dr. Cecilio Pedro, mas marami pang lugar ang tinutulungan nilang ibalik ang ganda para mapag-shootingan din ng iba pang pelikulang Tagalog upang palakasin pa lalo ang ating turismo.

“From new bridge to Jones Bridge to MacArthur Bridge, tatlong bridges iyon. We will combine these three bridges to make it into a clean space for tourism,” pahayag ng negosyante kamakailan sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery.

Nabanggit pa ni Dr. Pedro na kabilang ito sa mga project ng (FFCCCII) kaugnay ng 50th Anniversary ng Philippines-China Diplomatic Relations.

Sa June 9 raw ay uumpisahan nang gawin ang Jones Bridge hanggang Chinatown.

Bukod dito, kasali rin sa proyekto nila ang paglilinis ng Pasig River.

“We will clean the Pasig River. Magkakaroon na tayo ng canal tour. Hindi ba sa ibang bansa mayroon niyan? May tour, dinner cruise, kailangan pagandahin, linisin ang Pasig River, ‘yan ang next project pa namin.

Exciting.

Hintayin natin na luminis ang Pasig River para maging tulad sa Bangkok – na pwede kang mag-dinner habang nasa river cruise. O Huangpu River cruise sa Shanghai, China. O kaya naman ay Seine River cruise sa France.

CHARO SANTOS-CONCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->