^

Pang Movies

Marian, nilabas ang pagiging Jennie!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian, nilabas ang pagiging Jennie!
Marian Rivera
STAR/File

Wow bongga si Marian Rivera na nilabas na naman ang galing sa pagsasayaw sa kanyang dance cover.

Nag-post siya ng TikTok video habang sumasayaw ng Like Jennie ni Jennie ng Blackpink na may caption na “Bringing out my inner Jennie!”

Meron pa siyang back-up dancers.

Puring-puri siya dahil wala pa rin daw kupas ang nanay nina Zia at Sixto.

Pati nga ang mister na si Dingdong Dantes ay napakomento ng “Lupet!”

Para ngang hindi tumatanda si Marian lalo na ngayong nagpa-short hair siya.

Mukhang buwelta niya iyan sa mga nagsasabi raw na isang step lang ang alam niya.

Sey pa nga niya hayan daw at least 50 steps na ang sinayaw niya.

Komento nga raw nito sa TikTok post niya ay hilig lang daw talaga niya ang pagsasayaw dahil gusto niya.

May nagsabi pa na pwede raw itong maging pop star kung magaling lang itong kumanta pero natawa siya at sinabing sayaw na lang daw sila.

‘Kaloka.

Well, nakabawi naman daw siya sa anak na si Zia na may talent sa pagkanta.

Bongga.

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->