^

Pang Movies

Pilita, may sariling kalye sa Australia

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pilita, may sariling kalye sa Australia
Janine Gutierrez at Pilita Corrales
STAR/File

Ang Kapamilya singer-actress na si Janine Gutierrez ang nag-host ng ika-87th birthday ng kanyang Mamita (grandmother), ang Asia’s Queen of Song, music icon, actress-comedienne at isa sa pinakamahusay na Filipina singers-performers of all time na si Pilita Corrales.

Ito’y ginanap nung Aug. 25, 2024 at the Champagne Room ng Manila Hotel at dinaluhan ng kanyang pamilya, malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Walang nakakaalam na ‘yun na pala ang huling kaarawan ni Pilita na masayang-masaya nung gabing ‘yon.

Si Janine ay panganay na anak ng dating mag-asawang Ramon Christopher Gutierrez (Monching) at Lotlot de Leon at isa sa pitong apo ng namayapa at kasama na rito ang tatlong anak ng former couple na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao na sina Kenneth, Rikki Mae at Arabella.

Si Pilita ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Sabado, April 12, 2025 sa edad na 87.

Isinilang siya sa Lahug, Cebu City to her Spanish-Filipino parents. Bukod sa Cebuano at Spanish, fluent sa Filipina sa wikang Ingles at marunong din siyang magsalita ng Tagalog (with Visayan accent nga lamang).

Naging bahagi siya ng isang 20-Filipino team ng isang magic show na nagsu-show noon sa Manila Grand Opera House in Sta. Cruz, Manila nung 1957.

Ang kanilang show ay dinadala nila noon sa ibang karatig bansa tulad ng Hong Kong at Singapore lulan ng isang yate at may kasama pa silang hayop (na ginagamit nila sa show). On their way patungong Australia ay nakasalubong nila ang isang malakas na bagyo habang sila’y naglalayag sa gitna ng dagat.

Sa loob ng siyam na araw ay palutang-lutang umano sila sa gitna ng malawak na dagat na wala nang pagkain hanggang sila’y masagip ng Austra­lian Navy Coast Guard ship at nakarating din sila ng Melbourne, Australia.

Habang sila’y nasa Australia ay na-discover si Pilita ng Australian TV at siya’y naging bahagi ng isang TV show kung saan nagsimula siyang makilala at maging star.

Tatlong beses sa loob ng isang linggo napapanood sa Australian TV si Pilita at excited ang Australian audience na siya’y napapanood wearing different beautiful beaded gowns.

Naging recording star din siya ng Astro Records kung saan siya nakagawa ng apat ng top selling albums.

Dahil sa sobrang kasikatan noon ni Pilita sa Australia, ang isang kalye in Victoria ay ipinangalan sa kanya.

After almost six years in Australia, nagdesisyon si Pilita na bumalik ng Pilipinas nung 1963 upang dito ipagpatuloy ang kanyang career bilang singer at performer.

She recorded her first single sa Pilipinas, ang A Million Thanks To You composed by Alice Doria-Gamilla at ito’y naging malaking hit. Ang nasabing kanta ay isinalin sa pitong lengguwahe sa pitong bansa at nagpatuloy ang pagsikat ni Pilita sa Pilipinas.

Taong 1963 rin ng kanyang makilala ang Spa­nish businessman na si Gonzalo Blanco at sila’y nagpakasal. Pero pagkaraan ng isang buwan ay nagkahiwalay ang dalawa. At that time ay ipinagbubuntis na ni Pilita ang kanyang panganay na si Jackie Lou Blanco.

Never na nag-asawang muli si Gonzalo at hindi rin ito nagkaroon ng ibang anak sa ibang babae kaya nang ito’y pumanaw nung 1981 when Jackie Lou was 16 years old, lahat ng kayamanan nito ay iniwan niya sa kanyang anak.

Although nagkaroon din noon si Pilita ng ibang partner, ang singer-musician na si Amado del Paraguay, nauwi rin ito sa hiwalayan.

Nung 2001, muling nag-asawa si Pilita sa isang Paraguayan-Australian businessman na si Carlos Lopez na kasama niya hanggang sa kanyang pag­lisan nung nakaraang April 12, 2025.

Samantala, ang burol ni Pilita ay sa Chapels 3, 4 & 5 ng The Heritage Park, Fort Bonifacio, Taguig City hanggang April 16, 2025 ng 1 p.m.

PILITA CORRALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with