^

Pang Movies

Rita at Archie, maghaharap na sa arraignment!

Gorgy Rula - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Rita at Archie, maghaharap na sa arraignment!
Rita Daniela at Archie Alemania
STAR/File

Maghaharap sa April 29 ng hapon sina Rita Daniela at Archie Alemania sa pre-trial ng kasong Acts of Lasciviousness na hinaharap ngayon ng komedyante.

Ito na rin ang arraignment kay Archie sa harapan ng Presiding Judge Mary Rocelyn Lim-Guillano ng Municipal Trial Court ng Bacoor City.

Pagkatapos inilabas ang warrant of arrest kay Archie, nag-post ito noong March 31 ng bail worth P36K noon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kaya na-recall na ang Warrant of Arrest na inisyu noong March 18.

Kailangang dumalo ang dalawa sa pre-trial nito.

Nakasaad sa Order na, “The accused is WARNED that absence on the scheduled hearing may result in the forfeiture of his bail bond and in the issuance of a bench warrant of arrest. The prosecution witnesses are WARNED that their failure to appear before the Court on the said date and on subsewuent hearings may result in the dismissal of the case for failure to prosecute.”

Sinubukan pa rin naming hingan ng pahayag si Rita, pero ayaw raw muna niyang magsalita.

Baka sa hearing na raw ito maglabas ng sarili niyang statement.

Si Archie naman ay nanatiling tahimik at hindi niya sinasagot ang aming tawag at text.

Curious lang kami kung lalambot ba ang puso ni Rita at willing kaya itong makipag-areglo kay Archie?

Allen, natakot sa mga armadong bodyguard!

Ngayong summer ay pumayag si Allen Dizon na mag-summer job ang anak niyang si Nella at isa pa niyang anak sa kanyang restaurant sa San Fernano, Pampanga.

Ang ganda pala ng restaurant business ng premyadong aktor na kung saan malakas daw ang Gerry’s Grill niya sa San Fernando.

Katabi raw ng kanyang Gerry’s Grill ay nagpatayo sila roon ng isang Korean restaurant.

Masaya niyang kinuwento sa amin sa nakaraang media conference ng pelikula niyang Fatherland na maganda raw ang mga sinimulan niyang negosyo.

Malakas daw ang Gerry’s Grill niya at malapit na raw magbukas ang kanilang Korean restaurant.

Isa rin siya sa may-ari sa KFC na matatagpuan sa NLEX.

Tatlo raw silang magpa-partner sa mga itinayo nilang restaurant at okay naman daw ang kinalabasan.

Nasa bahay lang daw at abala sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya ang kanyang asawa. Pero ang mga anak niya ay tumutulong daw sa kanilang restaurant.

Ayaw raw niyang maging boss agad doon ang mga anak niya. Gusto raw niyang magsimula sila sa ibaba, at matutunan nila ang lahat na trabaho.

Apat ang anak ni Allen, at ang panganay at ang pangalawa niyang anak ay nagsisimula na raw magtrabaho sa kanyang restaurant.

Sa April 19 na ang showing ng pelikulang Fatherland na pinagbidahan niya kasama si Inigo Pascual, at sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Ang laking challenge talaga sa kanya ang pelikulang ito dahil tatlong karakter ang ginagampanan niya.

Meron siyang isang Muslim na character na kailangan daw niya talagang mag-shoot sa Mindanao. Isang araw daw silang nag-shoot sa Cotabato, at mabuti binantayan naman daw sila roon, para matiyak lang na safe silang lahat.

“Nung nandun ako, ‘yung pinuntahan namin ‘yung Kapitan. Very welcome kami dun, tapos sa mga location na pinupuntahan namin may mga bodyguard kami. May mga baril silang hawak. Siyempre, nakakatakot in a way, kasi siyempre dayo lang kami dun. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa amin. Kung makakauwi ba kami ng buhay o hindi.

“Pero sa awa ng Diyos at dahil na rin sa tulong nila, okay naman. Kahit one day lang kami dun. Kahit kinabukasan, uwi na kami, nagawa namin ‘yung gusto ni direk at maayos naman ‘yung mga tao sa Cotabato. Napakaganda ng Cotabato,” sabi pa ni Allen Dizon.

ARCHIE ALEMANIA

RITA DANIELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with