^

Pang Movies

Kira, hindi naging bata!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kira, hindi naging bata!
Kira Balinger.
STAR/ File

Bongga ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na laging pinag-uusapan ang mga kaganapan.

Ang latest ay ang pagiging emosyonal ni Kira Balinger sa kagustuhan nitong muling mabuo ang pamilya nila.

Kung meron man nga raw na kwentong pag-ibig na sobra siyang naapektuhan ay love story raw ng mga magulang niya iyon. “Even though they’re not together-together, they still want to be married for me and that’s a really, really big thing for me,” bahagi raw nito.

Kaya gusto raw niyang maging magaling sa mga ginagawa niya para makabawi sa mga iyon kahit papaano.

Hindi man daw niya maayos ang relasyon ng mga iyon ay gusto raw niyang malaman ng mga ito na kahit kasal sila nang hindi magkasama ay malaking bagay sa kanya. Sinakripisyo raw ng mga ito ang kasiyahan para sa kanya.

Pakiramdam daw ni Kira ay ninakawan siya ng childhood matapos silang iwan ng tatay niya noong edad 11 siya at kinailangan niyang “lumaki” agad.

Inalala pa raw nito kung gaano kasakit sa kanya na makitang nasasaktan ang nanay.

Ang hirap nga raw magsaya at hindi niya alam paano siya aakto na malakas para sa nanay niya na durog talaga noon.

Hangad nga niya na makita uling magkasama ang mga magulang at mag-usap ang mga ito na malaking bagay raw sa kanila ng kuya niya.

Pangarap daw talaga niya na makasama ulit ang tatay na hindi na aalis buwan-buwan.

Pinaliwanagan naman siya ni Kuya na hindi raw ibig sabihin na hiwalay ang mga ito ay kabiguan na at ganun daw ang tunay na pamilya na hindi perpekto.

Na totoo naman na kung hindi na healthy para sa kanilang lahat ay kaya siguro nagdesisyon ang mga magulang nila na maghiwalay para rin sa mga anak nila.

At in fairness, laging tinututukan ang PBB ngayon.

EDITION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->