^

Pang Movies

Crush ni Kathryn nung elementary, biglang naging in demand sa interview

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Crush ni Kathryn nung elementary, biglang naging in demand sa interview
Dr. Kenneth Hizon.
STAR/ File

Nagsalita na rin ang man of the hour ngayon na si Dr. Kenneth Hizon, ang first crush ni Kathryn Bernardo, na talagang hinagilap pa ng fans mula nang i-reveal ng aktres ang pangalan niya.

Matatandaang ibinunyag ni Kathryn kamakailan sa Pilipinas Got Talent na ang name ng first crush niya ay Kenneth na classmate niya noong grade 2 sa Cabanatuan.

Kaagad nagkaroon ng Oplan: Finding Kenneth ang kanyang fans at mabilis nila itong nahanap sa social media. Isa na pala itong doktor at pinost pa nila ang larawan nito and in fairness, gwapo siya, huh!

Nag-viral agad ang larawan at identity ni Kenneth at pati nga ang media ay hinanap siya para ma-interview at makunan ng reaksyon.

Isa sa unang naka-interview kay Kenneth ay ang TV5. Na-interview na rin siya ng ABS-CBN base sa latest post ni MJ Felipe.

In fairness, mukhang mabait si Doc Kenneth dahil nagpaunlak siya agad ng interview at hindi ‘yung tipong suplado or aristokrato.

Ayon kay Kenneth sa panayam sa TV5, nakakatuwa at nakaka-overwhelm na malamang nag-viral siya sa social media dahil sa sinabi ni Kathryn.

Nasa duty raw siya nu’n nang makatanggap siya ng messages at tina-tag na nga siya ng kanyang friends tungkol sa video ni Kathryn.

Take note, natatandaan niya na naging classmate niya nga ang aktres.

“Ang naaalala ko is since nursery, magkaklase kami which is ‘yung Christian Faith Montessori. Then, lumipat siya and lumipat din ako du’n sa Flowerlane (Montessori Children’s House). Tapos simula no’n, hindi ko na maalala kung hanggang grade 1 or grade 2 kami magkaklase,” pahayag ni Doc.

Nang matanong kung ano ang reaksyon sa ibinunyag ni Kathryn, ayon kay Kenneth, at first daw ay hindi siya sure na siya ‘yun dahil baka naman may iba pang Kenneth sa Flowerlane.

“Pero nu’ng ni-recall ko, parang ‘ah, baka nga ako.’ Pero siyempre, hindi ko naman sinasabi na ako. Malaki ‘yung chance na baka nga ako,” aniya.

Naalala raw niya si Kathryn na masayahing tao at siyempre, maganda raw kahit bata pa lang.

When asked kung crush din ba niya si Kathryn noon, natawa si Doc pero umamin din.

“To be honest, siya rin ‘yung una kong naging crush,” nakangiti niyang sabi.

Nang matanong kung bakit niya naging crush si Katrhyn, sey niya, “una, maganda and pangalawa is sobrang bright niya talaga, as in ‘pag makita mo siya, parang  matutuwa ka talaga.”

Natanong din kung ano ang masasabi niya na ang daming fans na inuudyakan siyang ligawan si Kathryn at sini-ship na silang dalawa.

“Siyempre, nakakatuwa. Kasi ikaw ba naman ang maging crush ng isang Kathryn Bernardo, ‘di ba? Tapos, okay naman na parang… nao-overwhelm lang talaga ako nu’ng una. Pero so far, all good naman,” aniya.

Hindi na sinabi ni Doc kung may balak ba siyang ligawan si Kathryn. Ayon sa mga tsikang naglalabasan, at 30, single rin daw si Kenneth ngayon just like Kath.

Kaya ngayon, ang hinihintay na ng fans ay ang first movie ni Kenneth kung talagang interesado rin siya kay Kathryn. Inaabangan din kung magkakaroon ba ng chance na magkitang muli nang personal ang dalawa.

ABS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with