Taylor Swift, kinabog na si Jay-Z

Kahit on her break si Taylor Swift, pinasaya pa rin niya ang kanyang Swifties dahil sa paglabas ng limited-edition Fearless: Taylor’s Version cardigan para sa fourth anniversary ng album niya na Fearless: Taylor’s Version.
Ilalabas din on Record Store Day 2025 ang remix ng single niyang Fortnight na galing sa 11th studio album niya na The Tortured Poets Department, ang may hawak ng record na “fastest-selling vinyl record of the decade” with 66,400 units sold in just under 12 months.
Hawak na rin ni Taylor ang 15th No. 1 album on Billboard’s best-selling album chart at kinabog na niya si Jay-Z na may hawak ng previous record.
Althea at Prince, nanggulat
For the first time ay magkukuwento na ng kanilang love story ang real-life sweethearts na sina Althea Ablan at Prince Clemente sa The Boobay and Tekla Show.
Though marami na silang mga naka-post na travel photos, never pa silang nagkuwento kung kelan nagsimula ang love story nila. Ginulat na lang daw nila ang marami nang maging date nila ang isa’t isa sa isang big event ng Sparkle.
Unlikely couple nga raw sina Althea at Prince dahil isa sa teen stars ng Prima Donnas noon si Althea at ka-loveteam pa niya noon si Bruce Roeland, samantalang si Prince ay isa sa mga sexy hunk ng Sparkle.
- Latest