Angelica, may PA-TB kay Heart!

Ang cute naman ng pa-throwback photo raw ni Angelica Panganiban sa kanila ni Heart Evangelista.
Nag-post si Angelica ng mga kaganapan sa kanyang March kagaya ng mga bonding nila ng pamilya niya sa farm, pati rin ang pakikipaglaro ng best friend niyang si Glaiza de Castro sa mga bata.
Pero isa sa napansin ng mga follower niya ay ang litrato nila ng Global Fashion Icon.
Sobrang bata pa nila sa litrato na mukhang mga teenager pa lang sila noong mga panahong iyon.
Na-touch nga si Heart at napakomento sa post ni Angelica ng “Awwww pal” na may kasamang heart emojis.
Ni-repost pa raw iyon ni Heart sa kanyang Instagram Story.
Maraming fans nila ang natuwa sa muli nilang pag-ayos sa ABS-CBN Ball 2025.
Masaya ang mga ito sa pag-reconnect nila at pakikipag-reconnect din ni Heart sa mga diumano’y nakaalitan.
Nakakatuwa nga lang daw na mas pinili nila ang love kesa pride at meron pa nga raw fans na naging emosyonal ngayong in good terms na sila.
Wish nga ng mga ito ay magkaroon sana ng vlog ang dalawa kahit magchikahan lamang sila lalo na at matagal na panahon silang hindi ok.
Bongga.
- Latest