^

Pang Movies

Bea, rich guy ang pinalit kay Dominic?!

Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bea, rich guy ang pinalit kay Dominic?!
Bea

MANILA, Philippines — Exclusively dating na ulit pala si Bea Alonzo. At ang lucky guy, ang President & Director diumano ng isang chain of supermarkets in the Philippines.

Yup, rich guy na familiar sa ilang taga-showbiz dahil ito ang nakikipag-usap ‘pag may ilang showbiz-related project ang nasabing chain of supermarkets.

Nasa early stage of relationship pa lang naman diumano sila ayon sa usap-usapan.

Matagal nang lantad ang relasyon ni Dominic Roque kay Sue Ramirez at ang latest nga ay ipinakilala na niya ang girlfriend sa mga magulang. At nauna nang nabanggit ni Bea na si Dominic ang nakipag-split. Engaged to be married na sila that time.

Anyway, sa kasalukuyan ay wala pang susunod na teleserye ang Kapuso actress.

Mula nang nung pumirma siya ng kontrata bilang Kapuso noong 2021, nakagawa na si Bea ng ilang malalaking TV projects sa GMA tulad ng Start-Up PH (2022), Love Before Sunrise (2023), at Widows’ War (2024).

Ngayong 2025 ay wala pa diumanong nakalinyang proyekto ang actress maliban sa isang pelikula na gagawin ng GMA Public Affairs.

Marjorie, dedma pa rin sa pagmamarakulyo ni Dennis Padilla

Huwag hayaan ang anuman o sinuman na lumabo ang liwanag ng mga sandaling ‘yun. Ito ang iyong kwento, ang iyong pag-ibig, at ang iyong walang hanggang simula.

Ito ang mensahe ni Dani Barretto sa kanyang kapatid na ikinasal pero nagkaroon ng matinding kontrobersya matapos maglabas ng sama ng loob ang amang si Dennis Padilla.

Ang pinagdidiinan ni Dennis ay hindi siya na­bigyan ng tamang pagpapahalaga dahil isang ordinaryong bisita lang siya sa naganap na kasalan at hindi tumayong father of the bride.

Ikinasal si Claudia sa negosyanteng boyfriend na matagal na niyang karelasyon, si Basti Lorenzo, kapatid ng mister ni Erich Gonzales na anak ng bilyonaryong si Martin Ignacio Lorenzo.

Deleted na ang post ng komedyante na nakasulat sa isang yellow paper at nakalagay.

Hanggang kahapon ay walang pino-post ang ikinasal at tanging ang kapatid nito sa ina (Marjorie Barretto), na si Dani lang ang may post na “Congratulations on this incredible milestone,

“10 years in the making. Your love, patience, and commitment have brought you to this moment, and it’s truly something to be celebrated.

“Savor every second, hold each other a little tighter, and let your hearts be full. This day is yours, soak in all the joy, the laughter, the love. You deserve every bit of it.

“Don’t let anything or anyone dim the light of this moment. It’s your story, your love, and your forever beginning.

“I wish you both a lifetime of happiness, adventure, and love that only grows deeper with time.”

Agad naman dito nag-agree si Mariel Rodriguez. “Congratulations Claui and Basti you worded it perfectly Dani!!!!! Wish them THE BEST!!!!”

Marami nga ang hindi favor sa ginawa ni Dennis. Mas nakakuha raw siya ng maraming simpatya kung nanahimik na lang siya at inayos privately.

Sinasabi niyang lahat ay ginawa na niya para makipag-ayos sa mga anak kaya’t malinis na ang konsensiya niya. Sana raw ay ipagpasa-Diyos na niya ang lahat.

Oo naman at tatay siya, pero hindi naman pwedeng ipilit na kilalanin siya kung ayaw ng mga anak niya.

Anyway, base sa mga naglalabasang photos, ang simple ng naganap na kasalan.

Kahit ang bride ay wala masyadong alahas.

Ang church ay hindi rin tadtad ng bulaklak.

Kaya alam mo raw na old rich at hindi nouveau rich behavoir. Pero ikinumpara naman nila na parang mas bongga raw ang kasal ni Erich Gonzales kay Mateo Lorenzo.

Paboritong manok sa bayan ng mga Oppa, kalat na sa Maynila

Chicken and beer ang unang hinahanap ni Pat-P Daza nung huling short vacation namin sa Seoul, South Korea kamakailan, kasama ang dalawa pa naming kaibigang sina Tet de Joya at Gorgy Rula.

At ‘pag chicken ang hanap, ang unang papasok sa isip mo, BBQ Chicken.

True enough konting lakad lang namin sa tinitirhan naming hotel, may BBQ Chicken.

Pero ‘yun nga, hindi mo na rin naman kailangang magbiyahe sa South Korea para kumain ng masarap na fried chicken na may iba’t ibang flavor.

Matagal-tagal na rin itong nasa bansa.

At nagbukas sila ng 15 na branch nito last Monday sa Robinson’s Antipolo.

Yup, ang bilis dumami ng BBQ Chicken sa bansa na available lahat ng mga flavor na matitikman mo sa South Korea.

Tho dito sa atin may local flavor, adobo, at may ilan pa silang malapit nang ipatikim.

Ang BBQ sa bansa ay dinala ng negosyante at film producer, former governor Chavit Singson.

Isa ito sa mga negosyong tinututukan niya kasama ang mga anak na si Kim Singson (CEO, KASA Restaurant Group Inc.) at si Tanya Llana and VP, Genesisis BBQ Asia.

“Actually we have new some more flavors – Yuzu, Creamy Onion and also the Adobo. So we’re introducing new flavors para hindi na magsawa ‘yung tao,” ayon kay Ms. Tanya.

Aniya, faithful sila sa original recipe ng bawat flavor sa original version nito : “That’s what we’re discussing earlier, the quality. We bring in the ingredients straight from Korea. So we use different… our butter, our powders are all imported. Some kasi, when they already bring in the brand, they convert to local material or local ingredients so nawawala ‘yung quality of what we originally brought in. So kami, we maintain that.” Dagdag pa niya : “Our chicken po, it’s fresh, so that’s also our difference with the other chicken brands. ‘Yung iba frozen na kasi, our chicken is fresh. So you’ll notice that there’s no blackness in the bone tapos hindi matigas, juicy siya. So you can feel the difference talaga of quality. “

Sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na rin nila ang makipag-tie up sa Korean artist, “A lot of tie-ups and collaborations with K-pop artists but we don’t know yet and we can’t give yet any information.”

Eh kung sa Pinoy artist? “Yes we’re looking also a Pinoy collaboration but definitely we have a lot of collaborations with known popular chefs co­ming up, that’s one, ‘cause we want to target  per area.”

At kung may kukunin man silang local endorser naghahanap sila ng : “Of course, we’re looking for families, like families that really enjoy meals together, families that have good values, integrity, and you know, they just enjoy spending time together.”

Sa mga K-pop artist naman ay “‘Yung mga mahihilig talagang kumain. Like, you know, there are many artists there that can sing and dance, but do they influence the food? We’re not sure. So we’re searching for people that really love food,” sabi naman ni Ms. Kim.

Sa Korea, may mga sikat na endorser na Korean celebrity ang BBQ.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with