Jillian, pwedeng itapat kay Andrea!

Ang bongga ni Jillian Ward na ang galing daw pala nitong sumayaw.
Kumalat ang video nito na sumasayaw at marami nga ang humanga sa kanya sa post niya na may caption na “practice.”
Talentado raw talaga ang bagets dahil ang lambot ng katawan nito nang magsayaw na inspired sa K-pop artist na si Jennie Kim na miyembro ng Blackpink.
Wala nga talagang tapon kay Jillian dahil halos lahat kaya niyang gawin, kumanta, umarte at pati nga rin ang sumayaw.
Noon pa man ay nakita ko na ang potensyal niya na ang lakas ng dating sa televiewers.
Naniniwala ako na bound to be another superstar talaga siya kaya marami ang umaasa na lalo pa siyang sumisikat na deserved talaga nito.
Lalo na nga ngayong pinakita niya ang galing sumayaw, marami ang humihirit na mas hasain pa siya sa pagsasayaw at pagkanta.
May mga tagahanga pa nga raw siya na kinumpara pa siya kay Jennie. ‘Kaloka.
At ang bongga lalo pa siyang gumaganda habang nagdadalaga.
Sa totoo lang pwede siyang itapat kay Andrea Brillantes.
Bongga ‘pag ganun.
- Latest