Kim, nagpasalamat kay Paulo

Halos mabaliw sa kilig ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang video na ibinahagi ng aktres sa Instagram kahapon.
Makikita sa video ang preparations ni Kimmy para sa ABS-CBN Ball 2025 na ginanap last Friday sa Solaire Resort North. “It really does take a village to prep for a night like this, and I’m beyond grateful to have the most amazing team by my side. Thank you all for your time, talent, care, and for making sure every detail was perfect—from head to toe, inside and out.?” bahagi ng caption ni Kim.
Nagpasalamat din siya kay Paulo na bahagi rin ng video niya.
“Special shoutout to @pauavelino for being such a sport and embracing his lowkey inner tiktokerist in the making! hihi!” saad ni Chinita Princess.
“Another magical #ABSCBNBall moment checked off. So proud to walk that carpet as a KAPAMILYA, surrounded by love, creativity, and community. Here’s to more memories to be treasured! #abscbnball2025,” sey pa ng aktres.
Sa video ay makikitang sinundo ni Paulo si Kimmy sa hotel room nito para pumunta na sa ballroom ng ABS-CBN. Sey ni Paulo kay Kimmy, “patingin nga ng suot mo.”
Ipinakita naman ng aktres ang gown niya at tumalikod pa siya para ipakita na backless ito na tila ipina-approve niya kay Paulo.
Sinipat-sipat naman ni Paulo ang gown na parang tsine-tsek muna niya talaga.
Mukhang approved naman kay Paulo ang backless gown dahil ang sumunod na eksena ay magkasama na silang pumunta ni Kimmy sa ballroom.
Sa true lang, ‘yung pagkakasabi ni Paulo ng “patingin nga ng suot mo” ay hindi tonong magkaibigan na gusto lang makita ang suot ng friend. Ang dating ng dialogue ng aktor ay gusto niya munang itsek ito. Na napansin din ng mga fans of course kaya naman sobrang kinilig sila.
Julia, proud na ka-holding hands si coco sa red carpet
Kung dati ay may mga reservations pa si Julia Montes tungkol sa relasyon nila ni Coco Martin at hindi pa niya ito masyadong mai-open-up sa public, ngayon ay iba na dahil very vocal na ang aktres tungkol dito.
Sa kanyang Instagram ay nagbigay ng appreciation post si Julia para kay Coco at ipinagsigawan ang pagmamahal sa long-timer partner.
Nag-post ang aktres ng larawan nila ni Coco na magka-holding hands habang pumapasok sa venue ng ABS-CBN Ball 2025.
“ABS-CBN Ball 2025 — the best part? Walking in with you. To the man I love, you make every event unforgettable. Dressed to the nines with the one who makes my heart shine.
#brightertogether,” ang caption ni Julia.
Sinagot naman ito ni Coco ng tatlong kissing face emoji.
Needless to say, kinilig nang bonggang-bongga ang CocoJuls fans pati na rin ang mga kapwa-celebrities.
- Latest