^

Pang Movies

Knowledge Channel foundation, pinarangalan ng DepEd, NTMCC

Pang-masa
Knowledge Channel foundation, pinarangalan ng DepEd, NTMCC
KCFI, DEPED at NTMCC execs

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Department of Education (DepEd) at National Teachers’ Month Coordinating Council (NTMCC) ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa mahahalagang kontribusyon nito sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month (NTM) 2024 sa idinaos na 44th NTMCC meeting nitong Marso.

Kinilala ng DepEd at NTMCC ang mga programa ng KCFI tulad ng training program para sa mga guro na Knowledge Channel Portable Media Library (KCPML) na inilunsad sa Leyte, Bukidnon, Ifugao, at Bataan at ang Knowledge Channel TV (KCTV) training na inilunsad sa Philippine School for the Deaf, Pasay City.

Binigyang-pugay rin ang bagong educational shows ng KCFI na tugma sa curriculum ng DepEd, na layong matulungan ang mga guro at kabataan sa pamamagitan ng mga makabagong paraan ng pagtuturo at pagkukwento, sa pangunguna ni KCFI president and executive director Rina Lopez.

Samantala, halos 16,000 na guro, child development workers, at magulang ang lumahok sa online conferences ng KCFI noong 2024, na tumalakay sa mga usapin ng pagpapabuti ng kasanayan sa pagtuturo ng pagbasa at mathematics, pati na rin sa pagpapalaganap ng mga pamamaraan sa ECD para sa mga batang may edad 0 to 8.

Ayon kay KCFI Vice President Edric Calma, pangunahing misyon ng KCFI sa loob ng 25 taon ang makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan sa buong bansa.

Aniya, “We are honored to be recognized for our efforts during National Teachers’ Month and remain committed to supporting the professional growth and development of teachers across the Philippines.”

Jodi Sta. Maria, may inamin kay Korina!

Panalo ang maiden episode ng 11th season ng super trending na Korina Interviews this Sunday, April 6, 6 p.m. on NET25 kasama ang nag-iisang Asia’s Best Actress na si Jodi Sta. Maria! Amor Powers, Maya, Jasmine – sino ba naman ang makakalimot sa kanyang mga iconic role? At ilan lamang ito sa mga role ni Jodi na talaga naman pinahanga ang buong Asya!

Sa husay ni Jodi — lahat standing ovation! Kapag ganito ka-talented, paano naman ang buhay niya off-cam? Nahirapan ba siya sa buhay niya when she was growing up at bakit siya nag-pursige para matapos ang pag-aaral?

Paano siya bilang isang Momshie?

At ito na — may bago kay Jodi ngayon at ibubulgar niya ito kay Koring! Panalo!

Kaya tutok na sa super chikahan nina Jodi at Koring this Sunday only on Korina Interviews sa NET25!

Magic Voyz, sa Music Museum na ang next concert

Going places ang all-male group na Magic Voyz na successful ang first anniversary concert.

Ang grupo ay nasa ilalim ng Viva Records at LDG Productions ng talent manager na si Lito de Guzman.

Mabilis kung tutuusin ang arangkada ng career nila at pruweba rito ang dumagsang fans sa Viva Café para sa kanilang first showbiz anniversary.

As in apaw that night ang Viva Café.

Na sinulit naman ng grupo, super hataw sila at pinagbigyan ang request ng fans na nakipagpuyatan sa kanilang anniversary show.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng mga mi­yembro ng Magic Boyz na sina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane- (composer ng grupo), Asher Bobis, at ang pinakabago sa grupo na si Jorge Guda, sa anniversary concert na certified successful.

At ang napansin ng maraming nanood, mas magaling na sila ngayong mag-perform. Malaki kumbaga ang inimprub ng kanyang pagkanta at pagsayaw kesa noong unang sabak nila sa concert.

Kaya naman, ang next concert, na sa Music Museum na raw.

KNOWLEDGE CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with