^

Pang Movies

Child actor, nangongolekta ng awards!

Joe Barrameda - Pang-masa
Child actor, nangongolekta ng awards!
Zion Cruz

MANILA, Philippines — Fresh from his award sa katatapos lamang na 38th PMPC Star Awards for Television bilang Child Performer of the Year at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards, nominado ulit si Zion Cruz bilang TV Actor of the Year sa 6th VP Choice Awards.

Kaya naman, grabe ang pasasalamat niya.

Ito ay habang papatapos naman ang serye niya sa Kapatid network na Ang Himala ni Niño.

Dahil sa Ang Himala ng Niño na nagsi­mula last September ay nabigyan siya ng iba pang projects gaya nung napasama niya sa pelikulang The Kingdom, na isa sa official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Gumanap siya rito bilang anak ni Cristine Reyes at apo ni Vic Sotto.

“Thank you kasi naa-appreciate n’yo po ang effort ko kahit baguhan pa lang ako. Thank you rin po kay Direk (Thop Nazareno) dahil natutukan niyo po ako. Siyempre po thank you rin po kay Lord sa lahat ng blessings,” sabi ni Zion sa Finale Media Conference ng Ang Himala ni Niño.

Pinasalamatan din ni Zion ang mga kasama niya sa cast pati ang production staff, na aniya ay mami-miss niya lahat ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Ang Himala ni Niño.

Wish ni Zion na sana ay masundan pa ng magandang proyekto ang Ang Himala ni Niño.

Subaybayan ang huling dalawang linggo ng Ang Himala ni Niño, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TV5.

 

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->