^

Pang Movies

Sarah at Stell dance challenge, kinabaliwan ng fans! mic ni Sarah worth P1 million daw Ivana laya na, may natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Sarah at Stell dance challenge, kinabaliwan ng fans! mic ni Sarah worth P1 million daw Ivana laya na, may natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya
Stell at Sarah Geronimo

Trending kahapon si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos kumalat ang dance collab nila ni Stell ng SB19 – #DAMDanceChallenge

Lumabas nga ulit ang kakulitan ni Sarah sa pagsayaw.

As in, wala sa hitsurang preggy siya tulad sa kuwento ng iba niyang kaibigan.

Na-super happy ang fans sa nasabing dance challenge at manifesting sila na magsama sina Stell and Sarah sa concert. Tiyak daw na sold-out kaagad ‘yun.

Na at this point in time, parang malabo pa dahil may world tour ang SB19.

Ito ay nakatakdang magsimula sa Mayo 2025 sa Pilipinas, Philippine Arena.

Susundan ito ng concert nila sa Taipei, United States, Canada, Singapore, at Middle East mula Hunyo hanggang Oktubre. Ganundin sa Australia, Tokyo, at Hong Kong.

Unless gawin nilang guest si Sarah.

Samantala, naloka naman ang ibang fans ni Sarah nang ibunyag ni Klarisse De Guzman na ang microphone pala ni Sarah G. ay worth P1 million.

Ito ‘yung lagi niyang ginagamit na mic ‘pag kumakanta siya.

Nasa loob ng PBB si Klarisse at doon niya ito nai-chika.

Na aniya ay importante sa isang singer na meron kang sariling mic.

Na totoo naman. Sarah G. siya at parang mura pa nga ang P1 million na microphone.

Anyway, si Klarisse raw ay P250,000 lang ang mic.

By the way, nakalabas na sa Bahay ni Kuya si Ivana Alawi kung saan naging emosyonal ang kanyang pamamaalam.

Tinagurian siyang Phenomenal Content Queen ng Quezon City na isang linggo ring naging house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nandun naman ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona, para sunduin siya.

Sinabi ni Ivana matapos maging emosyonal na ang mahalagang aral na natutunan niya sa kanyang panandaliang pananatili sa loob ng sikat na reality TV show ay “to be a strong family at magmahalan.”

Ipinakita sa episode nung Sabado ang mga hu­ling sandali ni Ivana sa loob ng bahay. Tinulungan niya ang mga housemate na gawin ang kanilang unang lingguhang task at manalo ng P60,000 para sa collab charity bago inihayag na hindi siya isang official housemate.

Batikang aktres na si Delia Razon, pinagluluksa ng industriya

Pumanaw na ang batikang aktres na si Delia Razon sa edad na 94 noong Sabado.

Mismong ang apo niyang si Carla Abellana ang nag-post ng tungkol dito. “Celebrating the life of Lucy May G. Reyes ‘Delia Razon’ (August 8, 1930 – March 15, 2025).”

Ang ina ni Carla na si Rea (na napangasawa ni Rey PJ Abellana) ay anak nina Delia at Aurelio Reyes.

Walang ibinigay na ibang detalye ang Kapuso actress sa pagpanaw ng kanyang lola.

Ipinanganak si Lucy May Grytz sa isang German na ama at isang Spanish Filipina na ina, si Delia Razon ay itinuturing na isang haligi ng Philippine entertainment industry.

Noong 1949 ay ginawa niya ang unang pelikula niya na Krus na Bituin ng LVN Pictures. Natuklasan ng film producer na si Narcisa “Doña Sisang” de Leon, founder ng LVN Pictures, ang kanyang talento at binigyan siya ng screen name na Delia Razon. Mas nakilala siya nung nagtambal sila ni Rogelio dela Rosa.

May grand launch...

May grand launch na kumbaga ang reconciliation nina Aly Borromeo at KC Concepcion.

Sa reel video ni KC ay makikita na magkasama sila ni Aly sa wedding ng former teammate ni Aly sa Azkals na si Ethan Lee na ikinasal kay Erika Kristensen na isang sports journalist.

Daming shot sa Reel ni KC na kasama si Aly.

Matagal nang nagkabalikan sina KC at Aly, pero nag-agree raw sila na ‘wag masyadong i-play up sa social media ang kanilang balikan.

Epic na gimik...

Epic ang marketing stunt nina Sam Verzosa at RS Francisco ng Luxxe White dahil talagang pinag-usapan ito sa buong bansa.

Natunghayan nga ng lahat ang isang spectacle na may mga billboard sa Maynila ukol sa ‘kamatayan’ ng Luxxe White; isang burol sa headquarters ng kumpanya; isang pagtitipon ng libu-libong distributors nito sa kanilang headquarters para makabili ng ‘last remaining stocks’ ng produkto; at ang pinaka-experiential at elaborate na media launch.

Agad nagkalat ng tsismis ang mga kalaban at kritiko ukol sa pagkakalugi, kabiguan, at pagbagsak ng empire na binuo at inalagaan nina RS at Sam sa halos dalawang dekada.

Sumabog din ang socmed sa mga ispekulasyon na kinukuwestiyon ang kakayahan ni Sam na pagsilbihan na maging mayor ng Maynila. Kung ‘di naman daw nito kayang ayusin ang sarili niyang kumpanya.

Pero sa likod ng drama ay isang kalkuladong marketing strategy pala na dinisenyo nila para baliin ang mga expectation; para buwagin ang molde ng mga tradisyunal na marketing campaigns at para makalikha ng ‘di malilimutang product relaunch.

Lumabas ang totoo sa media launch – isang kakaibang rebirth.

Hindi namatay ang Luxxe White, bagkus, nag-evolve ito bilang Luxxe White Ultima – na may bigger, better, at stronger line of products.

Hindi nagmukhang relaunch – naging isang rebolusyon.

At ano ang pinakamalaking irony? Ang mga nag-react ng negatibo at nagkalat ng fake news sa pagkalugi ng kumpanya.

Ayon kay RS :  “Hindi lamang kami nag-launch ng produkto. We created a moment in marketing history. Real visionaries never follow the rules – they rewrite them.”

Lalong sumaya ang media launch kasama si Boy Abunda bilang host at habang kumanta si Ice Seguerra sa grand reveal ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee at magaling na aktres na si Rhian Ramos bilang bagong ambassadors ng brand.

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with