David, kumita ng P50M sa showbiz!

Ang bongga naman ni David Licauco sa kanyang rebelasyon na kumita pala siya ng tumataginting na P50 million sa isang taon dahil sa showbiz at negosyo.
Ipinost ni David sa kanyang Instagram account ang bahagi ng kanyang video interview sa Izkul of Diskarte kung saan ay natanong siya kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa isang taon sa negosyo at showbiz.
“Ang hirap ng tanong mo pare ah,” natatawang sagot ni David. “Gusto mong hulaan?” tanong niya sa interviewer.
Ten million ang unang hula ng interviewer pero ani David ay higher daw. Sa P30 million, higher pa rin daw.
“50 (million)?” tanong ng nag-i-interview.
“Somewhere (there),” sey ni David.
As we all know, bukod sa pag-aartista ay nasa industriya rin ng food and beverage business din si David. May tatlong branch na ang kanyang Korean-style fast food brand na Kuya Korea, habang dalawa naman ang branches ng kanyang restaurant ng Sobra Cafe. Mayroon din siyang construction business.
Paolo at Gladys, wagi sa PMPC
Inilabas na ng PMPC ang partial list of winners sa 38th Star Awards for Television.
Narito ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya:
BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR – Paolo Contis for Magpakailanman: A Son’s Karma (The Wilbert Tolentino Story) (GMA 7)
BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS – Gladys Reyes for Magpakailanman: Inaanak, Inanakan (GMA 7)
BEST PRIMETIME TV SERIES – FPJ’s Batang Quiapo (A2Z, TV5)
BEST DAYTIME DRAMA SERIES – Abot-Kamay Na Pangarap (GMA 7)
BEST DRAMA ANTHOLOGY – Magpakailanman (GMA 7)
BEST MINI SERIES – Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (GMA 7)
BEST COMEDY SHOW – Pepito Manaloto (Tuloy ang Kuwento) (GMA 7)
BEST COMEDY ACTOR – Roderick Paulate for Da Pers Family (TV5)
BEST COMEDY ACTRESS – Maricel Soriano for 3 in 1 (Net 25)
SPECIAL AWARDS:
ADING FERNANDO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD – Janice de Belen
EXCELLENCE IN BROADCASTING AWARD LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD – Julius Babao
GERMAN MORENO POWER TANDEM AWARD
– Kim Chiu and Paulo Avelino (Linlang)
– Barbie Forteza and David Licauco (Pulang Araw)
HALL OF FAME as Best Documentary Program –i-Witness (GMA 7)
Ms. Gloria Romero – Posthumous Award as one of the Icons of Philippine Television
Gaganapin ang inaabangan at star-studded na gabi ng parangal ngayong Linggo, March 23, 2025, 7 p.m. sa Dolphy Theater sa Quezon City.
Lalo pang magniningning ang gabi dahil sa pagsasama nina Alden Richards, Kim Chiu, at Piolo Pascual bilang hosts ng parangal.
- Latest