Kris, nilantad ang masakit na karanasan sa ex na doctor

Nakakadurog ng puso ang huling post ni Kris Aquino na nag-update sa kanyang kalusugan, at pati na rin sa kanyang lovelife kung saan ay kinumpirma niyang iniwan na siya ng doktor na napabalitang nakarelasyon niya.
Sa unang bahagi ng kanyang mahabang post sa Instagram kahapon, “During this time of uncertainty, I choose to share MY PAINFUL TRUTH, the doctor I loved left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for & the reality of KRIS AQUINO who had multiplying autoimmune diseases with so few treatment options. Enough time has passed: he did not love me. In my defense he did receive the correct professional fees—even when we were a couple.
“End of that chapter (never akong natakot umamin ng katotohanan).
The TRUTH, in his words ‘INIWAN KITA DAHIL MAHIRAP KANG MAHALIN, sobrang sikip ng paligid’—my prayer is that he will now STOP trash talking & cursing my best friends and doctors who are still doing all they can to improve my quality of life, proving everyday genuine love, compassion & loyalty.”
Nakakalungkot ang ipinost nitong litrato na buhat siya ng kanyang anak na si Bimby.
Nakakabilib din kung paano ibinuhos ng binatang anak ni Kris ang kanyang panahon sa kanyang ina.
Napakapayat pa ni Kris, at malayong-malayo ito sa Kris na kinatutuwaan namin noon.
Sabi pa niya sa kanyang IG post, “Last night my rheumatologist tried ultrasound assisted targeted steroid shots on my knees…
“My body reacted the same way I did when we tried 34 months ago the steroid challenge.
“Bimb is now doing MMA training and I weigh less than 80lbs, only 36 kilos. I cannot walk, each step is agony. The excruciating pain is from my knees all the way to my feet, a combination of deep bone (lupus arthritis, Polymyositis, and acute fibromyalgia).”
Para kay Kris, itong pino-post niyang update sa kanyang kalusugan ay magsisilbing inspirasyon na rin sa ibang may halos ganun ding pinagdaraanan.
Lalo na sa mga inang may anak na kagaya ni Bimby na hindi raw dapat sukuan.
Kaya patuloy ang pakikipaglaban ni Kris.
Sabi pa niya, “When you are unconditionally loved, when like me you are blessed with a son who will do all to lessen his mama’s physical & emotional suffering – HINDI KA SUSUKO. TINITIIS ko yung matinding sakit na parte na ng bawat araw ko dahil ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas.
“Life is difficult for all of us—but faith in God and REAL love proven by ACTION gives ALL the needed willpower to persevere.”
As of yesterday ay mahigit 5K na ang nagbigay ng panalangin para kay Kris.
Meron pang nagko-comment na meron din daw silang hindi magandang karanasan sa doktor na tinutukoy ni Kris.
Pero hindi na lang magpaka-nega.
- Latest