^

Pang Movies

David at Sanya, huhusgahan na!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
David at Sanya, huhusgahan na!
Sanya at David

Alam mo, Salve A., mukhang ginaganahan ngayon ang GMA Pictures na pinamumunuan ni Atty. Annette Gozon-Valdes at president sa pagpu-produce ng mga pelikula na ang pinakahuli ay ang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Green Bones na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na nagpapanalo ng Best Actor at Best Supporting Actor respectively at humakot ng pinakamaraming awards sa MMFF Awards nung nakaraang Dec. 27, 2024.

Katunayan, may bago silang pelikulang nakatakdang ipalabas sa darating na April 19, 2025, ang Samahan ng mga Makasalanan na tinatampukan nina Sanya Lopez, David Licauco, Buboy Villar, Joel Torre, Soliman Cruz at iba mula sa panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique na siya ring director ng pelikula.

Kasama rin sa movie sina Euwenn Mikaell, Jay Ortega, Betong Sumaya at Liezl Lopez.

Goodbye muna si David sa screen partnership nila ni Barbie Forteza at si Sanya muna ang kanyang bagong kapareha. Si Sanya ay nakatrabaho nina David at Barbie sa period series na Pulang Araw with Alden Richards and Dennis Trillo.

Ang medyo ironic dito ay ang tambalan nina David at Sanya sa movie. Si David ang itinuturong dahilan ng breakup nina Barbie at Jak Roberto, ang nakatatandang kapatid ni Sanya na ex-boyfriend ni Barbie for seven years.

Malalaman sa April 19 onwards kung kakagatin ng mga manonood ang tambalan nina David at Sanya.

David plays the role ng isang church deacon sa pelikula. His last movie was with Barbie sa romantic-comedy film na That Kind of Love na pinalabas nung isang taon.

Arci, masaya na single

Relate ang singer-actress at BTS big fan na si Arci Muñoz sa kanyang role sa bago niyang pelikulang Sinagtala na pangalan ng isang banda at isang musical-drama movie dahil nagmula siya sa isang rock band bilang lead vocalist ng Philia bago siya nag-showbiz.

Ang Sinagtala ay tinatampukan nila nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Rayver Cruz at Matt Lozano na pinamahalaan ni Mike Sandejas under Sinagtala Productions at palabas sa mga sinehan ngayong April 2, 2025.

Ang common denominator nilang lima ay ang kanilang pagmamahal sa music.

Matagal-tagal ding hindi naging aktibo si Arci sa paggawa ng serye at pelikula kaya magsisilbing comeback project niya ito.

Bago ang Sinagtala movie ay mas naging busy siya sa pagta-travel at pagtupad sa kanyang pagiging big fan ng K-Pop superstar group, ang BTS.

At 36, she considers herself loveless pero hindi umano nangangahulugang hindi siya masaya being single.

Ipinauubaya niya sa Diyos kung siya’y mabibiyayaan ng guy na makakasama niya sa pagbuo niya ng pamilya.

Si Arci ay reservist ng Philippine Air Force at meron siyang ranggo na sergeant.

SANYA LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->