Darren, bet manalo si AC!

Si AC Bonifacio ang bet ni Darren Espanto na manalo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, at sa post ni Darren, ramdam ang closeness nila.
Sabi nito, “Ganitong oras kami usually nagtatawagan. Ta’s ito, first night na hindi ko kausap best friend ko HAHAHA PERO SANA UMABOT KA HANGGANG DULO, BES! Rooting for you!”
Malinaw ang sinabi ni Darren na best friend niya si AC at hindi girlfriend. Nagka-isyu kasi dati ang dalawa. Kaya raw hindi magiging sina Darren at Cassy Legaspi dahil si AC ang real GF niya.
Naalala namin, nagsagutan pa ang fans nina AC at Cassy dahil kay Darren. May mga nalito kung sino ba talaga ang bestie niya sa dalawang girls.
Puwede naman siguro silang maging best friend ni Darren, para mas masaya.
Kathryn at Nadine, gusto pa ring pag-awayin ng mga faney
Hindi lang fans ni Kathryn Bernardo ang nagre-react, pati ang fans ni Nadine Lustre, umaalma na pinagsasabong ang dalawang aktres.
Ang isyu ay dahil parehong judge ng singing completion sina Kathryn at Nadine.
Isa kasi si Kathryn sa judge ng Pilipinas Got Talent at si Nadine naman ay judge ng Masked Singer, kaya kahit hindi pa airing ang dalawang shows, may pagkukumpara na sa mga judge, partikular na nga sina Kathryn at Nadine.
Pakiusap ng fans ni Kathryn, ‘wag nang gawan ng intriga ang dalawa, 2025 na raw, pareho silang hindi na part ng love team. At magkaibigan sila.
Dahil daw sa mga isyung ganito, kaya hindi nangyayari ang matagal nang gusto ng fans ng dalawa na sana, pagsamahin sila sa series o pelikula.
Mister ni Glaiza, sa Pilipinas muna
Nasa bansa ang mister ni Glaiza de Castro na si David Rainey at kasama siya ng singer-actress na dumalo sa Night of 100 Stars na tribute kay Mr. M o Johnny Manahan.
Nagsama-sama ang Star Magic at ilang Sparkle stars, pero karamihan ay Star Magic stars. At kabilang nga si Glaiza at sabi nga nito, “Nice to have a date—especially when it’s my forever favorite.”
Sana, mapanood din ng kanyang mister ang pelikulang Sinagtala na pinagsama-sama ang musika at drama sa pelikulang ito ni director Mike Sandejas.
Perfect casting sa amin sina Glaiza, Rayver Cruz, Matt Lozano, Arci Muñoz at Rhian Ramos dahil hindi lang sila actor, singer din sila. Si Rhian nga, ang alam namin, nagra-rap pa ito at si Arci ay rakista. Naalala namin, magkasama sila ni Dion Ignacio sa isang rock band at siya ang lead vocalist.
Of course, kilala rin nating singer si Glaiza at ganu’n din sina Matt at Rayver plus maganda ang story ng movie na ipakikita ang pagsikat, pagkalaos at muling pagsikat ng Sinagtala Band.
Sa April 2, 2025 na ang simula ng showing ng Sinagtala na mula sa Sinagtala Productions na ang nabasa namin, pagmamay-ari ni direk Mike.
- Latest