^

Pang Movies

Herlene, apektado sa label na bobo

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Herlene, apektado sa label na bobo
Herlene Budol
STAR/ File

Inamin ni Herlene Budol na nasasaktan siya tuwing tinatawag siyang ‘bobo’ ng mga tao. Ginagamit na lang daw niya iyon para patunayang puwede pa niyang pagbutihin ang sarili.

“Masakit po ‘yung tawagin kang bobo. Ikaw ba naman sabihan ka ng bobo, harap-harapan, comment, behind your back, talagang sinasabi po sa ‘kin, ang bobo ko. Pero nito ko lang na-realize na hindi lang po pala ako ‘yung bobo dito. Marami tayo, tanggapin n’yo lang,” sey ng bida ng Binibining Marikit.

Aminado rin siya na marami pa siyang hindi alam kaya hinikayat niya ang mga tao na turuan siya sa mga bagay na iyon, at ipinangakong tuturuan din niya ang mga ito ng mga bagay na alam niya.

“Kung dati ay pinapatulan ko halos lahat ng mga pang-aasar at pangmamata sa akin, ngayon ay mas pinipili ko na ang mga laban. Mas nag-mature na ako para malaman na hindi dapat lahat ay kailangan patulan. Sayang naman po ‘yung pag-gain ko ng respeto sa sarili ko.”

Importante pa raw kay Herlene na mas mahalin muna ang sarili bago ang ibang tao.

Ruru at Jon, may bromance

Bromance nga raw kung tawagin ang muling pagkikita nina Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Huling nagsama ang dalawa sa Black Rider kunsaan mortal silang magkaaway. Sa pagsasama nila ulit, madugong bugbugan daw ang mga eksena nila.

“Lagi akong excited. Totoo ‘to! Lagi akong excited makasama si Ruru sa isang eksena. Sabi ko nga sa kanya, wala na ‘kong ibang kakilala na kasing passionate niya sa ginagawa. Sobrang nakakatuwa si Ruru. Sobrang proud na proud ako sa kanya. Ang layo na ng narating niya,” papuri ni Jon sa Kapuso Action Prince.

Carrie, ‘di nakahindi sa AI

Hindi raw makahindi ang multi-awarded American singer-songwriter na si Carrie Underwood nang i-offer sa kanya ang maging isa sa judges ng American Idol.

Hindi raw nagdalawang-isip si Carrie dahil malaki ang utang na loob niya sa American Idol. Siya ang tinanghal na season 4 winner at naging most awarded and most successful American Idol winner with 85 million albums sold worldwide.

“It’s been 20 years. American Idol is a part of me and it is part of my history, and hopefully I’ve learned a lot from experience on the show and everything in the industry and hopefully I can bring that into my advice to those in front of us,” sey ni Carrie na naging kapalit ni Katy Perry sa AI.

Carrie has 16 number one singles and was named by Billboard as top female country artist of 2000s and 2010s. She has 8 Grammys, 9 Country Music Awards, 12 Billboard Awards, 17 American Music Awards and a star in the Hollywood Walk of Fame and inducted at the Grand Ole Opry.

HARLENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with