Sofia, mas abala sa pagpipinta
Twenty-six year-old actress Sofia Andres, the long-time partner of race car driver Daniel Miranda and a mother to a five-year-old Zoey Natalia has discovered that she has talent in painting which she considers a work in progress. Ito’y kanyang minana sa kanyang inang si Monette who is also a painter at interior designer.
While waiting for her next TV or movie assignment, Sofia focuses her time sa kanyang mag-ama at sa pagpipinta na kamakailan lamang niya na-discover at nakahiligan which she finds very refreshing dahil dito niya nai-express ang kanyang mayamang imahinasyon.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal sina Sofia and her longtime partner of almost eight years na si Daniel Miranda considering na meron na silang adorable five-year-old daughter na si Zoe Natalia.
Naunahan pa silang magpakasal ng younger brother ni Daniel na si Enrique at wife na nito ngayon na si Ella Pangilinan-Miranda, panganay na anak ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa at nakatatandang kapatid ng Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan na ikinasal nung Dec. 8, 2023.
Si Daniel ay scion ng mga kilalang Lhuillier in Cebu City.
Huling napanood si Sofia sa Iron Heart.
Tatay ni Angel, last day na
Last day ngayong araw (March 8) ng burol ng butihing ama ng actress na si Angel Locsin na si Angel Colmenares na sumakabilang-buhay nung nakaraang Miyerkules, March 5 sa edad na 98. Ang mga labi ni G. Angel ay nakaburol sa Heritage Park in Taguig City.
Sa pangalan ni G. Angel hango ang screen name na Angel Locsin na nagmula rin sa tunay niyang pangalan na Angelica Locsin Colmenares.
Si G. Angel ay isang award-winning swimmer nung kanyang kabataan at naging member ng Philippine National Team. Ang ama ni Angel ang siyang nagturo sa kanya sa swimming at nakapag-compete rin siya sa iba’t ibang swimming competition both here and abroad at nakapag-uwi rin ng mga medalya tulad ng kanyang namayapang ama.
Samantala, hanggang sa kanyang paglisan ay hindi na muling nakakita ang ama ni Angel.
Angel Locsin and her husband, producer and businessman na si Neil Arce decided to make their life private after the pandemic.
- Latest