^

Pang Movies

Bea walang ganap, hinahanap ng fans!

Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bea walang ganap, hinahanap ng fans!
Bea

MANILA, Philippines — Nagrereklamo na ang ibang fans ni Bea Alonzo.

Bibihira na raw itong mag-post sa kanyang Instagram account at other platforms.

Parang once a week na lang daw. Tapos mga endorsement pa.

Asking sila kung anong ganap career ni Bea.

Kelan daw kaya ulit nila mapapanood ang kanilang idolo after Windows’ War?

Sana naman daw very soon ay mapanood na nila ang actress sa isang teleserye.

Actually, ba’t nga ba wala masyadong ganap sa career ni Bea?

Habang ang iba nga naman ay halos oras-oras may post ng kanilang mga ginawa, totoo nga palang bibihira na siyang mag-upload nang i-check ko ang kanyang social media accounts.

Anyway, isa pang wish ng fans niya, makahanap na siya ng forever.

Mathon, ayaw pakabog sa Netflix

Lubos na tinatangkilik ng viewers ang parehas na pinag-uusapan at trending na ABS-CBN Studios produced action-drama serye na Incognito  at pelikulang Sosyal Climbers kaya naman hawak nila ang magkaparehas na top spot sa listahan ng Netflix Philippines.

In all fairness, simula ng ipalabas ang Incognito noong Enero 17, labis na tinutukan ng manonood ang kwento ng Kontraks na sina Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla) kaya naman nangunguna sila sa listahan ng most watched series.

Naabot din nito ang all-time high viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.

Sa kasalukuyan nga ay nagtutulungan ang kontraks sa kanilang bagong misyon na sagipin at i-rescue ang hostages mula sa lider ng kulto na si Muñoz (Robert Seña).

Kasabay ng tagumpay ng Incognito ay ang pag-angat din sa number one spot ng Top 10 Movies ng Netflix PH ng kauna-unahang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN Studios at Netflix Original sa film na Sosyal Clim­bers. Pinagbibidahan ito nina Maris at Anthony kasama sina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo, at Marissa Sanchez.

Sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang pelikula ay umiikot sa buhay nina Ray (Anthony) at Jessa (Maris), isang magkasintahang gipit sa pera na nagkunwaring mayayaman upang makapasok at makapanloko sa alta sociedad.

Sa pamamayagpag ng Incognito at Sosyal Climbers, labis na pinuri ng netizens sina Maris at Anthony na parehas tampok sa palabas dahil sa galing nila sa pagportray ng kanilang roles at sa kanilang undeniable na chemistry.

Napapanood sina Maris at Anthony sa Incognito gabi-gabi tuwing 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaaring mapanood ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Panoorin rin nakakatuwang romansa nina Maris at Anthony sa Sosyal Climbers, na eksklusibong mapapanood sa Netflix Philippines.

Ice at Liza, naka-12 taon na

Wow, 12 years na pala ang pagsasama ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.

Tinalbugan pa nila ang isang showbiz couple na ikinasal pero ngayon daw ay hinulaang sa hiwalayan din patungo ang pagsasama.

Post nga ni Ice : “Celebrating our 12th year of being together. Dito sa lugar kung saan natin binubuo ang ating mga pangarap. Ang sarap na ako ang iyong unan,” aniya kalakip ang photo nila habang nakahiga sa isang sofa.

“Mahal kita, Liza. Happy 12th jowaniversary!!!” dagdag niya sa dulo ng post.

Samantala, nakatakdang mag-release ng kanyang first all-original album, I Am Ice, this June, ang singer.

Ang makabuluhang milestone na ito ay kasunod ng kanyang 2022 major concert, Becoming Ice, na minarkahan ang kanyang pagbabalik sa entablado pagkatapos ng isang dekada at ipinagdiwang ang kanyang 35-taong paglalakbay sa Philippine entertainment industry.

Mula sa kanyang mga unang araw bilang isang cutesy child star sa Eat Bulaga! sa pagiging isang respetadong musikero, ang career ni Ice ay naging isang patunay ng versatility at katatagan.

Noong 2014, nilantad niya sa publiko ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang transgender na lalaki, isang matapang na hakbang na lubos na nakaimpluwensya sa kanyang artistic journey. At sa pagmumuni-muni sa paglalakbay na ito, ibinahagi ni Ice na : “It was my first time to use Ice Seguerra in a concert, and I admit it was a big risk because, for 35 years, my fans have known me as Aiza. While I’ve come to a point where I don’t mind being called Aiza, it feels good to fully embrace my identity as a transman and know that even as Ice, they’re still there for me. That’s why I gained the courage to work on my first all-original album. Imagine, I’ve been in the industry this long, and only now am I releasing all-original songs.”

Ibinahagi naman ni Liza Diño, asawa ni Ice at CEO ng Fire and Ice Music, ang kanyang mga saloobin sa artistic journey at bagong kumpiyansa ni Ice sa pagsulat ng kanta: “From BECOMING into BEING. I am so proud to witness Ice really embracing who he is, not just as a person but as an artist, musician, and songwriter. He has always been insecure about his songwriting, but it’s such a big part of him. I’ve seen times when he proposed original songs for his albums, but labels were accustomed to him singing others’ songs because he brought new interpretations to them. It’s a gift to not only do justice to existing songs, at times even make them better. That’s Ice, and that’s been his signature. But in this era of singer-songwriters, where artists release all-original tracks and feature one or two covers, I believe the timing is perfect.”                    

Kasama sa paparating na album ang 10 original track, karamihan ay isinulat ni Ice, with collaborations from both emerging and seasoned songwri­ters.

Nakipagtulungan din siya sa multi-awarded producer na si Jonathan Manalo, na kilala sa kanyang malawak na trabaho sa industriya ng musikang Pilipino, kaya ang nasabing album ay nangangako ng fresh and authentic sound.

Si Jonathan Manalo, na kinilala kamakailan bilang most-streamed Filipino producer ng Spotify na may 1.4 bilyong stream noong 2024 ay nagpahayag ng kanyang enthusiasm :

“It feels good to be working with Ice again and to be entrusted to co-produce this first all-original album. I’ve been lucky to witness Ice’s growth and maturity as an artist through the years, having worked with him on his earlier albums. Being part of this milestone and witnessing his evolution not just as a singer but as a songwriter is something I deeply treasure.”

Ang participation ni Jonathan ay nagdagdag din ng prestige sa album, dahil sa kanyang track record ng mga hit at sa kanyang mahabang kasaysayan sa musika ni Ice. At ang kanilang muling pagsasama sa studio pagkatapos ng maraming taon ay nagdudulot ng pakiramdam ng nostalgia at panibagong creative energy sa kanilang musika.

Ang album ay produced by Fire and Ice Music, ang production company sa ilalim ng Fire and Ice Entertainment, na itinatag ni Ice at ng kanyang misis. Kabilang sa naunang trabaho ng kumpanya ang Wag Kang Aalis, collaboration nilang mag-asawa, at Oh Divine Diva ng drag group na Divine Divas — Precious Paula Nicole, Brigiding at Viñas Deluxe.

Sa mga unang recording session para sa nasabing album, malalim ang pakiramdam ni Ice ng maturity at pakikipagtulungan sa kanyang banda (The Pogi Boys).

Inilarawan din niya ang proseso ng paglikha nang may halong excitement, na binibigyang-diin kung paano ipinakita ng paggawa ng musika ang kanyang tunay na sarili:

“Sobrang ramdam ko ‘yung maturity namin as a band. Ang sarap ng hingahan namin. I’m not the kind of artist who records with a click track, so it’s important to me that they know my style when I sing. Ang saya kanina kasi, collaboration talaga. And the feeling that hindi lang lyrics but pati ‘yung mismong music mismo reflects who I am in every song.”

Very organic din daw ang naging approach niya sa recording.

Kuwento niya, he recorded live with the band, allowing them to experiment with arrangements that would best suit each song. Na naging daan upang maging in sync sa kanyang unique singing style.

May isang kanta na nasilip ng ilan niyang fans, ang Shelter of the Broken.

Inawit ito ni Ice sa exclusive segment of the Love, Sessionistas concert on Feb. 8, na by the way, ang Love, Sessionistas concert — a reunion of Ice and fellow acoustic artists — ay isang malaking tagumpay kaya’t magkakaroon ito ng second night sa April 4. At ang encore show is building even more anticipation for I Am Ice.

Yup, bukod sa album, planado na rin ang concert experience nito sa Sept. 25.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with