McCoy, kinaawaan!

Alam mo, Salve A., kung ang character ni McCoy de Leon na si David Dimaguiba ay kinamumuhian sa top-rating action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin, mamahalin at kaaawaan naman siya sa kanyang first lead role sa religious drama movie na In Thy Name bilang si Fr. Rhoel Gallardo, ang Claretian martyr priest na isa sa mga dinukot ng Abu Sayyaf (along with teachers ng students) nung May 2000 who was asked to renounce his faith na hindi niya ginawa, pinarusahan, pinahirapan bago pinatay.
Ang pelikula which was co-directed by Caesar Soriano and Rommel Galapia Ruiz under GreatCzar Media Productions and released by Viva Films was premiered last Tuesday (March 4) night sa tatlong sinehan (Cinemas 5-6-7) ng SM North EDSA.
Napunta kami sa Cinema 5 kung saan karamihan ng nasa audience ay mga pari at mga madre na nagpalakpakan after the screening ng pelikula.
Maganda ang pagkakalahad at pagkaka-execute ng pelikula at pawang mahuhusay ang mga nagsiganap sa kanilang respective roles. McCoy was such a revelation sa pelikula who played Fr. Rhoel Gallardo, hindi rin nagpahuli sa husay nina JC de Vera (who played the role of Khadaffy Janjalani), Mon Confiado (as Abu Sabaya), Soliman Cruz (as Rey Rubio) at marami pang iba which include John Estrada (guest role), Yves Flores, Aya Fernandez, Martin Escudero, Alex Medina, Pen Medina, Ynez Veneracion, Gold Aceron, Aaron Villaflor, Ana Abad Santos, Richard Quan, Marx Topacio at marami pang iba.
Maganda ang sinematograpia ng pelikula na halatang hindi tinipid.
Samantala, magsisilbing belated birthday gift kay McCoy ang kanyang unang pinagbibidahang pelikula as he celebrated his 30th birthday nung nakaraang Feb. 20, 2025.
Naging malaking challenge sa actor ang kanyang role bilang si Fr. Rhoel Gallardo dahil bukod sa ito’y celebrated case, totoong character ang kanyang ginampanan.
Thankful din siya sa lahat ng kanyang mga nakasama sa pelikula including the producers, directors, writers and production people na nagtiwala sa kanya na gampanan ang isang mapaghamong character ni Fr. Rhoel na kinu-consider na isang Claretian martyr priest.
Barda, bumida rin sa fast food!
Balik ang pagpapakilig ng BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco hindi sa pamamagitan ng pelikula o bagong TV series kundi sa pamamagitan ng pinakabagong TV commercial ng isang kilalang fast-food chain.
Dapat siguro masundan ang matagumpay na tambalan nina Barbie at David sa pelikula habang mainit pa ang tambalan ng dalawa lalupa’t pareho nang single ang Kapuso stars.
- Latest