Mccoy, niligtas ng anak!

Naging emosyonal si McCoy de Leon nang ikuwento niya kung paano siya napigilan ng kanyang anak na si Felize sa pagtatangka sa sariling buhay.
Ipinagtapat ng aktor ang madilim na bahagi na ito ng kanyang nakaraan sa one-on-one interview ni Ogie Diaz sa vlog na Ogie Diaz Inspires.
Ayon kay McCoy, ito raw ‘yung time na naghiwalay sila ng partner niya at ina ng anak na si Elisse Joson. Solo lang daw siyang nakatira sa kanyang condo that time.
“Du’n ako nasabihan na hindi ako naging mabuting partner. And that moment, nagkaroon ng okasyon – Christmas, New Year na ako lang mag-isa,” kwento ng aktor.
Inamin niya na dumating ang pagkakataon na nasa bintana na siya at gusto nang tapusin ang buhay. “Nasa edge na ako ng window, and sabi ko, ‘ayoko na.’ Kasi ‘di ko maprotektahan ‘yung sarili ko. Pa’no ko sasagipin ‘yung sarili ko, kasi hindi ako nagsasalita nga. Kinimkim ko na alam kong may rason ako, eh. Pero hindi ako makapagsalita,” aniya.
“Ni-request ko lang na makita ko lang ‘yung picture ng anak ko. And after nu’n, nung makita ko ‘yung picture ng anak ko, na-realize ko na from now on, kaya ko iko-continue ang life ko, para sa baby ko,” pagbabahagi ni McCoy.
Ang pumasok daw kasi sa isip niya ay paano ang kanyang baby na lalaking walang ama kung sakali. “Ayaw ko siyang lumaki na walang tatay,” sabi ni McCoy na naging emosyonal.
Dagdag pa niya, ang anak daw niya ang nagsisilbing lakas niya sa tuwing may pinagdaraanan siya. “Every (time) na may pinagdadaanan ako, may problemang dumarating, siya lang lagi nakikita ko, nagiging okay ako,” aniya.
“Sobrang mahal ko ‘yung anak ko na ‘yun,” naluluha pa niyang wika.
Matatandaang naghiwalay ang McLisse noong 2023 pero muling nagkabalikan after a few months.
Ngayon ay okay na okay na sila pero sey ni McCoy, mas gusto na lang daw niyang maging private ang kanyang family life.
‘Kris very sick, very fragile’make-up artist
Viral ngayon ang Instagram post ng celebrity make-up artist na si RB Chanco about Kris Aquino.
Si RB kasi ang nag-make up kay Kris nang dumalo ito sa PeopleAsia’s People of the Year 2025 awards na ginanap last Tuesday, Feb. 25.
Ibinahagi ni RB ang mga larawan nila ni Kris during and after her make-up session at sa caption ipinahayag niya ang kasiyahan na muli niyang makita ang dating kliyente after three years.
“After three years, I finally got to do her makeup again—something I had hoped for but feared might never happen. But last night, it did, and I couldn’t have been happier,” simula ni RB.
Aniya ay ‘very sick’ and ‘very fragile’ si Kris na natatakot siyang baka mag-react ang sensitive skin nito sa mga make-up product na gamit niya.
“Kris is still very sick—frail, fragile, and fighting every day—which made every makeup product and brushstroke feel like a risk. With her severe allergies and flares, I was terrified she’d react, especially since she hasn’t worn makeup since her health declined,” pagbabahagi ni RB.
“But by some miracle, her reaction was minimal, and that alone was a huge relief,” patuloy niya.
Ayon pa kay RB, bagama’t maikli lang ang appearance ni Kris, isang magandang senyales daw ito that she’s still here.
“Her appearance was brief but deeply meaningful—a sign that she’s still here, still fighting, still moving forward.
“Despite everything, she made her first public appearance since becoming very ill. The real queen, the Kris we all love and miss, is still here—stronger than we know. And maybe, just maybe, this is the start of something more,” pahayag ng make-up artist din nina Jodi Sta. Maria, Francine Diaz, Angeline Quinto at iba pa.
Sa huli, ipinahayag din ni RB ang wish niya na sana’y maulit pa ang ganitong pagkakataon.
“Finally, #RBeautified… again, and hopefully, just the first of many more times to come,” aniya.
Dumalo si Kris sa People of the Year 2025 awards bilang suporta sa kaibigan niyang Filipino designer na si Michael Leyva na isa sa mga awardee.
- Latest



















