^

Pang Movies

Dimples, pumayag magpalambitin

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dimples, pumayag magpalambitin
Dimples Romana.

Kinaya ni Dimples Romana ang mahirap na ‘harness scene’ sa horror film nila ni Iza Calzado na The Caretakers alang-alang sa tawag ng trabaho.

May fear of heights kasi ang aktres, pero sey nga niya sa red carpet premiere night and mediacon na ginanap last Monday sa SM The Block, “may mga bagay kang lulunukin para sa trabaho talaga.”

Nang pinapanood nga raw niya ang nasabing scene, pati siya ay natakot sa sarili niya. Ang co-star niyang si Iza ay na-impress din sa kanya at sey nito, nag-ala Linda Blair daw siya sa nasabing eksena.

“Pero ako, I feel very blessed because even while we were shooting it, hindi ako natakot na parang mahuhulog ako do’n, no. I know Rein Entertainment, I know Regal Films. I know there’s nothing for me to worry,” pahayag ng aktres.

Matagal pa nga raw siyang naka-hang sa taas nung sinu-shoot nila ‘yun pero may full trust daw siya sa produksyon na very safe naman siya.

Puring-puri rin ni Iza si Dimples bilang isang ina, bilang isang businesswoman at bilang aktres.

“This woman works hard. She really works really hard,” sey ni Iza.

“I admire you for that. Everything that you have now, you have worked really hard for. And nobody can contest that,” sey ni Iza kay Dimples.

Bilang aktres naman, nakita ni Iza kung gaano siya natulungan ni Dimples sa isang eksena nila together in the film.

“Kinailangan ko siya at that moment. Nagbigay siya. In-allow niya ako to share that energy because I needed her in that moment, I needed to feel present in that moment,” ani Iza.

At naibigay raw ito ni Dimples kaya nagpasalamat siya sa co-actress.

Ayon pa kay Iza, ilalagay na raw niya sa listahan ng mga paborito niyang aktres si Dimples along with Jodi Sta. Maria and Sunshine Dizon.

“Kasi, hindi maramot. Alam mo ‘yun, nakipagsayaw sa atin. So ‘yun ang aking experience working with Dimples,” nakangiting sabi pa ni Iza.

Na-touch naman si Dimples sa sinabi ng kanyang co-star at nagpasalamat siya rito.

Samantala, showing na sa mga sinehan ngayong Feb. 26 ang The Caretakers directed by Shugo Praico hatid ng Regal Entertainment at Rein Entertainment.

Pokwang, nagpasaklolo sa NBI

Dahil hindi tinitigilan ng mga scammer, lumapit na si Pokwang sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo ang mga taong patuloy na ginagamit ang kanyang bahay sa panloloko.

Simula pa raw noong Disyembre ay ginagamit na umano ng mga scammer na ito ang mga larawan at lokasyon ng kanyang bahay sa Antipolo para makapag-engganyo ng booking sa mga nais magbakasyon.

Ilang beses na ring nilinaw ni Pokwang na isa iton scam at hindi niya pinarerentahan ang kanyang bahay, marami pa rin ang nabibiktima nito.

“Magaganda ‘yung mga pinopost niya sa account niya. Ikaw naman syempre,’O! Maganda ‘yung review.’ Siguro naman maengganyo ka talaga. Pero wala talagang ganoong resort,” sey ni Pokwang sa 24 Oras.

Ayon pa kay Pokie, nakakaawa raw ang mga nabibiktima na nagbayad ng malaking halaga para sa fake staycation.

“Minsan sa loob ng isang araw, ang kumakatok na tao rito tatlo hanggang limang biktima, at karaniwang nakapag [downpayment] na. May P7,000, php5,000, P10,000. Sa isang linggo kumikita na siya ng mahigit php200,000,” saad ng komedyana.

“Natatakot ako para sa family ko. Inilagay mo sa risk ‘yung buhay ng pamilya ko kaya ‘di kita titigilan. Kakasuhan ko siya,” dagdag pa niya.

Nanawagan ang komedyana sa mga biktima na makipatulungan para maparusahan ang mga scammer.

“Magsama-sama tayo. Huwag natin titigilan hangga’t hindi nakukulong iyan,” aniya.

 

 

DIMPLES ROMANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad