Julia, pinagtataguan minsan ang ‘anak’!
MANILA, Philippines — Umiikot ang kuwento ng Saving Grace sa batang aktres na si Zia Grace at gumaganap niyang teacher si Julia Montes.
Aliw na aliw si Julia kay Zia sa harap o likod man ng kamera na super ang kanilang kulitan.
Pero may mga pagkakataon daw na kinailangan pang pagtaguan ni Julia si Zia dahil may eksena silang ishu-shoot na dapat ay hindi siya ma-attach at maipakita niya na galit siya sa bata. Kahit hinahanap na siya Zia sa set dahil sanay na magkasama sila, wala siyang magawa.
Si Julia na lang nag-adjust at tinitiis na huwag munang kausapin ang bagets para maging epektib ang kanilang eksena.
After ng take ay saka ipinaliwanag ng aktres sa bata kung bakit niya pinagtaguan ito.
Sa presscon din ng Saving Grace sa Dolphy theater last Tuesday ay tila maingat si Julia na banggitin ang salitang “anak ko” sa tanong kung paano siya nakaka-relate as a mother sa kanyang role.
May moment na halatang muntik na niyang mabanggit ang word sa experience nito sa kanyang mga diumano’y anak. Pero mabilis na binaling ng aktres ang kanyang paliwanag.
Sa halip ay ang ginawang example ni Julia ay ‘yung tumatayong magulang niya, ang kanyang grand mother, na nag-alaga sa kanya. Kung paano ang pagmamahal nito sa kanya habang siya ay lumalaki.
Isang deaf and mute ang kanyang nanay.
Super supportive rin ang nanay ng aktres sa bagong teleserye ni Julia. Kahit walang subtitle at hindi nito naririnig ang pinapanood.
Sanay sa lip reading ang mother ni Julia, kaya’t nakaalalay pa rin ang aktres sa tabi nito para ipaliwanag thru sign language ang ilang eksena or kapag may tanong ang mother niya sa kanilang teleserye.
Hindi nga hadlang ang pagiging pipi at bingi ng mother ni Julia sa kanilang panonood na ginagawa pa nila itong bonding moment sa mga nakakaiyak na eksena ng Saving Grace ng ABS-CBN.
- Latest