^

Pang Movies

Dingdong, pinagbigyan si Jo Berry!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Si Dingdong Dantes pala ang pinahulaan na malaking aktor na maggi-guest at tutupad ng pangarap ni atty. lilet matias (jo berry) na makatrabaho. Nakunan na ang eksena ng dalawa, kaya next week, lalabas na ang karakter ng aktor sa last week ng Afternoon series ng GMA 7.

Na-interview si Dingdong sa taping at sabi nito, “this is my simple way of showing my support for the program. Ang highlight ng eksena ay  ang kahalagahan ng kanyang role ang layunin,” sabi ng aktor.

Nangingislap naman ang mga mata ni Jo Berry nang ma-interview. Matagal na raw niyang pangarap na makatrabaho si Dingdong at tuwing nag-uusap sila, ang magkasama sila sa trabaho ang lagi nilang tinatanong sa isa’t isa at ngayon ay natupad na.

“Na-starstruck ako at napakasaya ko dahil natuloy din kahit sandali lang ang eksena. Hopefully masundan. Napakasaya lang, hindi mo mararamdamang si Dingdong Dantes ang kaharap mo,” ayon naman kay Jo.

In fairness sa Lilet Matias, magtatapos na lang, ang dami pang guest at bago si Dingdong, nag-guest na rin si Janice de Belen.

BARBIE, ANG DAMING GANAP

Inilabas na ng Netflix Philippines ang teaser ng Kontrabida Academy tampok sina Eugene Domingo at Barbie Forteza.

Masaya at excited ang fans sa series na ikinagulat ng marami dahil bigla na lang lumabas. Wala pang binanggit na date ang Netflix kung kailan ang strea­ming na ito.

Si Barbie, ramdam din ang excitement sa post sa X na “Waaaaahhhh finally! It’s out!!! I am sooo excited for this!!!

“Kontrabida Academy with Ms. Eugene Domingo. Written & directed by Chris Martinez.”

Ang dami ngang ganap ni Barbie at kagabi, nagsimula ang month-long na pagpe-feature sa kanya sa Daig Kayo ng Lola Ka, kasama ang South Korean actor na si Kim Ji-soo. May title na My Crown Prince ang episode na makaka-relate ang mahilig sa K-drama.

DANTES

DINGDONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with