^

Pang Movies

Regine, babalik na sa pag-arte; nagpapalakas para ‘di hingalin sa concert

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine, babalik na sa pag-arte; nagpapalakas para �di hingalin sa concert
Regine Velasquez

Working Valentine’s Day na naman for Regine Velasquez ang Feb. 14 dahil mayroon siyang 4-night concert na magsisimula sa mismong Araw ng mga Puso.

As a concert performer, hindi na bago sa Asia’s Songbird ang nagtatrabaho tuwing ganitong okasyon dahil madalas nga itong nangyayari.

Regine’s upcoming Valentine concert is titled Reset na gaganapin on Feb 14 & 15 and Feb. 21 & 22 at the Samsung Performing Arts Theater in Circuit Makati.

Paliwanag ni Songbird sa 4-night concert at the mediacon held last Tuesday, “‘yung Feb. 14 which is Valentine’s Day and the first night of the concert, it would be all originals (songs), ‘yun ‘yung part 1. And then, ‘yung part 2, which is the 15th, it would be the covers. So, ‘yung ‘yung mga R2K, ‘yung mga retros.”

Puspusan na nga ang paghahanda ni Regine at sey niyang natatawa, “ngayon na medyo jonders (matanda) na ako, siyempre, kailangan, mas may prepatation. Kasi iba na ‘yung katawan natin. Nag-iba na rin ‘yung boses mo.”

Kailangan daw na may everyday walking siyang ginagawa as part of exercise at talagang lagi siyang niyayaya ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

“He (Ogie) urges me talaga to exercise everyday, to walk every day, in preparation for the concert. Kasi, dapat, hindi ako hinihingal, eh. Kahit na hindi ako magsasayaw, nakakahingal pa rin,” aniya.

Siyempre, kasama rin sa preparasyon niya ang pag-aaral ng kanyang repertoire.

Sinusunod din niya ang pinagbabawal sa kanya tulad ng maaasim na pagkain. Bawal na bawal daw ang suka.  “Kasi, may acid reflux ako, eh,” sey niya.

Bukod sa nasabing concert, isa sa mga nilu-look forward ni Songbird ay ang pagbabalik niya sa acting this year.

“Parang iniisip ko, if there is an offer and if the role is right, if the role is good, I will surely think about it. Kasi, parang ang tagal ko na ring... mga 5 or 6 years na hindi umaarte,” she said.

Samantala, sa mga nais bumili ng tickets for Reset, available ito sa ticketworld.com.ph.

Vic, nag-research bago mag-endorse ng Barley!

Thankful si Vic Sotto na at 70 ay healthy pa rin siya at walang tine-take na maintenance medicine at ang regular lang daw niya talagang tine-take ay vitamins, food supplements at all-natural healthy drinks.

Hindi rin daw niya problema ang altapresyon o diabetes. Sey nga niya,  mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ay may mga maintenance medicines na tulad nina Joey de Leon at Allan K pero siya raw ay wala pa.

Thankful din siya sa wifey niyang si Pauleen Luna sa pag-aasikaso rin sa kanya making it sure na healthy siya.

Isa nga sa tips ni Bossing for staying healthy ay moderation sa lahat ng bagay.

“Isa sa mga regimen ko pagdating sa pagkain, I only eat when it’s time to eat. Hindi ako kumakain in between breakfast and lunch, lunch and dinner. Hindi ako ma-junk food. Hindi ako mahilig sa sweets. ‘Pag meron, tikim-tikim lang,” sey ni Bossing Vic sa mediacon ng bago niyang ine-endorse na Sante Barley food supplement.

At siyempre, isa sa regular na tine-take niya ay ang mismong kanyang ine-endorse na Sante Barley.

“I’ve heard of Sante Barley before dahil 18 years na (sa market), ‘di ba? Nu’ng there was an offer for me to endorse the product, I did my own research. Ano bang nagagawa ng barley? Ano bang mapapala mo ‘pag uminom ka ng barley?

“I did my research. Eh maganda pala, mahusay pala. So, I sat down with them with my brother Maru, and I found out all about Sante International, and hindi na ako nagdalawang-isip. I said ‘yes’ right away. I’m happy and honored to endorse this kind of product na nagpo-promote ng healthy living,” aniya.

Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand.

Ang flagship product nito ay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto.

“Honored ako to join the family sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay nang mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices at excited ako na ibahagi sa mga tao ang good news na ito,” ani Bossing.

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->