^

Pang Movies

McCoy nagbanta! Elisse at Joshua, nag-momol?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Totoo kaya na may MOMOL-ang (Make Out Make Out Lang) nangyari between Joshua Garcia and Elisse Joson nang dumalo sila sa Star Magical Christmas Ball noong Nobyembre?

Ito kasi ang tsika ni Ogie Diaz sa latest episode ng Showbiz Update online show ni Mama Loi.

Well, medyo shocking ito coz alam naman natin na may long-time partner itong si Elisse na si McCoy de Leon at si Joshua naman ay may non-showbiz girlfriend din.

Anyway, ayon kay Ogie ay may nagparating lang naman sa kanya ng tsikang ito at wala naman daw siya doon sa event.

“Ito’y nakarating lamang sa atin. Na gaano katotoo na doon sa ballroom ay nag-MOMOL – ang term sa akin nu’ng nagparating sa akin ay MOMOL,” simulang tsika ni Ogie.

“Hindi ako makapaniwala, totoo ba, doon magmo-MOMOL sa ballroom?” dagdag pa niya.

Tinanong nga ng co-host niyang si Mama Loi kung sino ang tinutukoy niya at sagot ni Ogie ay sina Joshua at Elisse.

“Sabi ko, parang hindi ko naman makitaan na mayroon silang tendency na mag-ganoon kasi kung ang dalawang tao, may balak ng kaelyahan, dumiretso ng kwarto ‘yan,” sey ni Ogie.

“Hindi rin naman alam ng source ko kung saan na sila dumiretso afterward,” aniya.

Pero ang malaking problema, nakarating daw kay McCoy ang nangyari at galit na galit daw ang aktor.

“Eh ang kaso, eto na. Eh ‘yung pangyayaring ‘yun eh nakarating daw kay McCoy de Leon, sa dyowa ni Elisse,” tsika niya.

“Sa galit niya, parang napamura siya, tapos napabanta pa. Alam mo ‘yung the usual na lalaki na ‘makita ko lang ‘to, sasapakin ko,’ something like that. Pero hindi naman tayo sure kung ‘yun talaga sinabi ni McCoy, ha?” sabi ni Ogie.

Ang tsika pa, ngayon daw ay may bodyguard na si Joshua kahit saan ito magpunta.

“Pero hindi rin naman tayo sure kung that time lang, nu’ng makarating kay Joshua ay saka siya nag-bodyguard o noon pa, may bodyguard na si Joshua,” ani Ogie.

Of course, wala naman daw ibang pwedeng maglinaw nito kundi ang tatlong stars na involved.

“Kaya dapat malaman natin mula kay McCoy, kay Elisse, at kay Joshua Garcia kung ano ba ang totoo rito.

“Nagka-MOMOL-an ba sa Star Magical Bal? Nagkaroon na talaga ng galit o nagalit ba itong si McCoy kay Joshua nang malaman ni McCoy ang nangyari du’n sa dalawa?” ani Ogie.

“Sana naman hindi ito totoo,” saad pa niya.

Bukas din ang aming kolum na ito para sa anumang pahayag nina McCoy, Elisse at Joshua.

OGIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with