^

Pang Movies

Regine nabastos, MYX humingi ng tawad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Regine nabastos, MYX humingi ng tawad
Regine Velasquez

Ayaw kumalma ng fans ni Regine Velasquez kahit nakiusap na siya via hashtag #kalma at kahit tapos na kagabi ang MYX Music Awards kung saan presenter si Songbird. Ang feeling ng fans nito, hindi nirespeto ang status ni Regine nang ilabas ang art card na nakasulat ang presenters with matching photos.

Nasa level two ang photo niya, maliit ang billing at maliit ang kanyang photo. Kahilera niya sina Elijah Canlas, Alexa Ilacad, KD Estrada at Chloe San Jose. Kahilera rin ni Songbird si Gloc-9 na para sa fans, kasamang hindi nirespeto ng ABS-CBN Digital Team na gumawa ng art card.

Ang nasa level one kasi with bigger billing and bigger photos ay sina James Reid, BINI Jhoanna, Fyang Smith at BINI MALOI. Tanong ng fans ni Regine, ano ang achievement ng mga nabanggit para mas bigyan sila ng priority at balewalain ang achievement nina Regine at Gloc-9?

Kaya nagpadala ang ABS-CBN Digital Team ng bouquet of flowers kay Regine at may kasamang apology letter. Nakasulat sa letter ang “We would like to sincerely apologize for the oversight in the promo material we released yesterday. We have deep respect and admiration for your craft and the remarkable contribution you have given the music industry. We will strive to do better moving forward. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. “

Nagpadala rin ng bouquet of yellow roses ang MYX Global Team at nilinaw na hindi na-clear ng MYX management ang post ng ABS-CBN Digital Team.

 Agad daw nilang ginawan ng paraan na maalis ang photo ni Regine at ni-revise, inilagay sa tabi na ang photo ni Regine, solo niya ang space at malaki ang kanyang larawan.

Sa kanyang TikTok video, inamin niya na hindi na ito ang kanyang “panahon” sa industriya. Kung may nasaktan daw sa kanyang sinabi, ‘yun ang katotohanan. Realistic lang daw siya at alam niyang hindi na siya maaaring makipagsabayan sa mga mas bata sa kanya. Fifty-four years old na kasi siya, bagay na ayaw tanggapin ng kanyang fans.

Aga, hinanapan ng post!

Pabirong nagreklamo ang fans ni Aga Muhlach na puro raw repost ng Mentorque Productions tungkol sa Metro Manila Film Festival entry nilang Uninvited ang nasa feed ng aktor.

Sana raw may sariling post si Aga para naman may nababasang iba ang fans.

Inisip siguro niya na mahaba pa naman ang araw para mag-promote siya ng nasabing pelikula na sa trailer pa lang, hinuhulaan nang malaki ang laban na maging number one sa takilya. Gusto rin sanang malaman ng fans niya ang eksena nila ni Nadine Lustre na minura siya nito at muntik niya itong sampalin.

Anyway, marami namang nasabi si Aga sa grand launch ng Uninvited gaya ng happy siya to be working for the first time with Mentorque, and director Dan Villegas at ang team nito. “Salamat, salamat, salamat sa pagpili sa akin,” patungkol ni Aga sa Mentorque Productions.

First time rin ni Aga to work with Nadine and third movie na nila ni Vilma Santos. Kaya nabanggit ni Aga ang, “Proud ako sa dalawang films namin, dito sobrang proud ako. How could you say no. I am the happiest to do this film and to have done it with Vilma. It comes in three, third film namin—done na ako sa buhay ko,” wika ni Aga.

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with