BINI, naghahanda sa valentine concert!

BINI

Walang alinlangan na ang Nation’s girl group na BINI ang maituturing na most popular Pinoy all-girl pop group sa Pilipinas at marami na silang na-achieve sa loob lamang ng tatlong taon nila sa industriya.

Katatapos lamang last Tuesday ng three-night sold-out concert billed as Grand BINIverse nung Nov. 16, 17 and & 19 na ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum). Follow-up ito sa mala­king tagumpay ng three-day sold-out concert ng BINI sa New Frontier Theater.

On their final concert sa Araneta Coliseum ay in-announce ng grupo na magkakaroon sila ng post-Valentine concert on Feb. 15, 2025 pero hindi pa nila sinasabi kung ito’y mangyayari muli sa Big Dome o sa iba nang venue.

Bago ang kanilang post-Valentine concert ay nakatakdang i-release ang kanilang pinakabagong single na pinamagatang Blink Twice which they will perform sa kanilang February major concert.

Ang grupong BINI ay binubuo ng 8 girls na sina Jhoanna (leader ng grupo), Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha at Sheena.

Kathniel, isang taon nang kanya-kanya

Ngayong Nov. 30 ay mag-iisang taon na ang opisyal na hiwalayan ng da­ting magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tumagal ng 11 taon.

At sa panahong ‘yun, marami na ang nangyari sa kanilang respective lives.

Sa part ni Kathryn ay lalong umalagwa ang kanyang career.  Nakagawa siya ng critically-acclaimed movie with Dolly de Leon, ang A Very Good Girl na sinundan ng record-breaking reunion movie nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Again na muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Bukod sa Amerika at Canada, palabas din ang HLA in Europe, Australia, New Zealand, Guam at Saipan kasunod ang Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, Hong Kong and Macau.

Easily ay kayang malagpasan ang box office record na naitala ng HLG maging ang Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Show comments