Chelsea, susubok sa showbiz!

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo during the 73rd Miss Universe preliminary round's evening gown portion
Miss Universe Philippines via Instagram

Papasukin din pala ni Miss Universe Asia Chelsea Manalo ang acting. Sa interview sa kanya ni Dyan Castillejo, nabanggit ng beauty queen ang “I would  really like to try that,” nang mabanggit na she’s keeping her options open, including a possible career in acting.

Anyway, nasa Los Angeles, California si Chelsea ngayon at doon na sila nagkita ng kanyang parents after ng Miss Universe coronation sa Mexico. Kahit hindi nanalo, feeling winner pa rin ito dahil sa experience niya at memories sa Miss Universe.

Muli naman niyang pinasalamatan ni Chelsea ang mga Filipinos sa suporta sa kanya.

Two weeks daw sa LA si Chelsea kasama ang parents niya habang naghihintay kung kailan magsisimula ang duties niya as Miss Universe Asia.

Makakasama niya rito ang iba pang continental queens, gaya ni Tati Calmell of Peru na naging close friend niya. Gusto nga raw  bumisita sa Philippines si Miss Peru at  kapag nandito na siya, si Chelsea at ang Miss Universe Philippines ang bahala sa kanya.

Rita, sanay sa istriktong mister

Sa ilang eksena lang nakasama ni Rita Avila si Rhian Ramos sa pelikulang Huwag Mo Akong Iwan, pero tumatak sa seasoned actress ang ginawa ng girlfriend ni Sam Verzosa  sa shooting nang nasabing pelikula.

Kuwento ni Rita, kusang inaayos ni Rhian ang gamit niya sa mesa standby area nila pa mas magka-space sila ng kasama niyang si Kate. “Nakakatuwa siya, sensitive sa ibang tao. Hindi tulad ng iba na feeling owner ng buong area.”

Sagot ni Rhian, “Si Ms. Rita naman kasi yun, baka ‘pag iba hindi ko gagawin,” kahit pabiro ang sagot na ‘yun ni Rhian na ikinatuwa pa rin ni Rita.

Feeling niya, binigyan siya ng importansya ng Kapuso aktres.

Short lang ang role ni Rita sa nabanggit na pelikula bilang ina ni Rhian at tinanggap daw niya ang offer dahil kay director Joel Lamangan na love niya. Kung ang ibang artista raw ay nanginginig sa takot sa director, siya ay hindi. Siguro raw ay iba-iba ang pagkakilala sa director.

Nabanggit tuloy ni Rita ang asawang si director FM Reyes na istrikto rin ang dating sa mga nakakatrabaho at marami ang natatakot. Impression lang daw ‘yun dahil gaya ni direk Joel, mabait din ang husband niya.

Kiko at Heaven, nagkaayos na

Okay na pala ang mag-ex na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo dahil pumayag si Heaven na makasama si Kiko sa pinagbibidahan nitong  Lumuhod Ka sa Lupa  ng TV5. Sigurado naman ipapareha ang aktres kay Kiko dahil wala na sa series si Sarah Lahbati na unang love interest ng karakter ni Kiko.

Nagulat ang TV5 fans at viewers ng series dahil alam nilang hindi maganda ang break-up nina Kiko at Heaven. Nagkaroon pa nga ng konting ingay, siguro nakapag-move on na sila pareho.

Pati si Kiko nakapag-move on na dahil kung hindi pa siya nakapag-move on, hindi rin siya papayag na makasama sa trabaho ang ex.

 

Show comments