Amy at Winnie, na-pressure sa bagong teleradyo!
Masayang malungkot ang nararamdaman nina Amy Perez at Winnie Cordero sa muling pagbabalik nila sa TeleRadyo Serbisyo 630 DWPM. (dating DZMM ng ABS-CBN).
Ayon kay Tyang Amy sa ginanap na thanksgiving media conference kahapon, masaya sila dahil nakabalik na muli ang TeleRadyo sa ere at malungkot naman dahil wala na ang mga dating kasamahan sa DZMM na nawalan ng trabaho ng mawalan ng franchise ang network. “Masaya na meron ding pressure na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon.
“So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM.
“So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” sey ni Tyang Amy.
Dagdag pa niya, “so ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila and salamat dahil alam namin kung gaano nila minahal ang istasyon, kung gaano sila ka-dedicated. ‘Yun din ‘yung mga inspirasyon na dala namin ngayon as we move forward with DWPM.”
Sabi naman ni Winnie, bittersweet din ang kanyang pakiramdam.
“Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, DZMM forever. Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping na old DZMM would come back,” sabi ni Winnie.
Pero aminado naman siyang medyo malabo na ito sa ngayon pero mananatili naman daw sa kanyang alaala ang magagandang memories nila sa DZMM.
“Siyempre, katulad ng usad ng panahon eh thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napili. Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasama namin noong araw pa,” wika ni Winnie.
Dalawa ang shows ni Winnie sa TeleRadyo 630, ito ay ang public service program na Tatak Serbisyo na aired from Mondays to Fridays at 10:30 a.m. at ang Win Today every Saturday at 10 a.m.
Ako ‘To, Si Tyang Amy naman ang show ni Amy, also a public service show about mental health naman. Umeere naman ito ng Mondays, Tuesdays, and Thursdays at 3 p.m.
Nadine at Christophe, inaayos na ang forever?!
Engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang boyfriend na si Cristophe Bariou? Ito kasi ang naging ispekulasyon ng netizens matapos i-post ng aktres ang love notes sa kanya ng non-showbiz BF.
“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ang nakasaad sa hand-written note ni Christophe kay Nadine.
Bukod dito ay nagbahagi rin ang aktres ng mga photos nila ng boyfriend.
Caption ni Nadine, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness.”
Sa comment section ay halos iisa ang reaksyon ng netizens. Feeling nila ay engaged na si Nadine at Cristophe.
Wala namang sinagot si Nadine sa mga nagtatanong.
- Latest