^

Pang Movies

Ellen, sinagot kung ba’t itinago ang pagbubuntis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ellen, sinagot kung ba’t itinago ang pagbubuntis
Derek, Ellen at anak
STAR/File

May sagot na si Ellen Adarna sa mga tanong ng netizens tungkol sa kanyang pagbubuntis at panganganak sa first baby nila ni Derek Ramsay. Matatandaang isinapubliko ni Derek ang panganganak ni Ellen few days ago nang mag-post siya ng larawan ng wifey with their new-born baby.

Marami ang nagulat sa post na ito ng aktor dahil never nilang inanunsyo na preggy na si Ellen.

Sa bagong Instagram post ni Derek na larawan nila Ellen with their baby ay may nagkomentong netizen ng, “I didn’t know na buntis pla si ellen now nanganak na wow.”

Sumagot naman ang isa pang netizen ng “Gusto kasi ni ellen, surprise. Yung malalaman na lng ng lahat na may baby na pala. My post sila dati.”

Tila hindi na nakatiiis si Ellen at sumagot na sa usapan. Aniya ay hindi naman daw niya itinago ang kanyang pagbubuntis.

“Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and di ko naman tinatago when i go out, crop top ako kahit malaki tyan,” sey ni Ellen.

Paliwanag pa niya, hindi lang daw niya in-announce ang pregnancy dahil gusto niyang maging peaceful ang pagbubuntis.

“I just didnt announce because i dont need to. I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing i need are opinions from people i dont know and unsolicited advice,” aniya.

Sen. Bong, nasaktan sa mga sinalanta

Personal na nakiramay si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba’t ibang bayan sa Camarines Sur.

Ayon kay Sen. Bong, nakikidalamhati sIya sa masakit at matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.

Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lugar ang isinailalim sa state of calamity. Hinimok ni Sen. Bong ang mga kababayan na sa kabila ng trahedya, huwag mawalan ng pag-asa at sama-samang bumangon.

Personal na nag-abot si Sen. Bong ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo. Namahagi siya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan.

Natagalan aniya ang pagdadala ng tulong dahil marami pang kalsada at tulay ang nasira at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine. “Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula” saad ng aktor/pulitiko.

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with