Sunshine at Ina, may kondisyon sa manliligaw ng mga anak
Parehong “hot mamas” sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo ngayon, pero noong ‘90s ay pila ang mga nanligaw sa kanila.
Ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga payo sa kani-kanilang mga anak na babae pagdating sa mga manliligaw.
Ayon kay Ina, madalas niyang ipinapaalala sa kaniyang mga anak na dapat “play hard to get.”
Si Sunshine naman, nais na sa bahay puntahan ng manliligaw ang kaniyang mga anak.
Mayroong apat na anak sina Ina at mister nito na si Brian Poturnak na sina: Erika, Mikaela, Anika, at Minka. Isa naman ang anak nilang lalaki na si Jakob.
Samantala, tatlo naman anak ni Sunshine sa dating mister na si Cesar Montano na sina Angelina, Sam, at Chesca.
Miss Grand International Philippines candidate, nasilat sa korona!
Muntik nang masungkit ng Pilipinas ang Miss Grand International 2024 crown na ginanap sa Bangkok, Thailand, pero first runner-up ang ating manok na si CJ Opiaza.
Si Miss India Rachel Gupta ang Miss Grand International 2024 winner.
Lumaban naman nang bongga si CJ sa swimsuit, evening gown at pati sa Q&A.
Ang tanong kay CJ: “What do you think is the most critical issue in the world today that needs to be resolved, and what solutions do you propose?”
CJ answered, “The most pressing issue that we have today is, of course, the presence of war and violence. We can see all around media that there are people dying, people of suffering, you can see the kids crying, their dreams are being shattered. How our differences makes us divided. I collect you all as you leave this place today to bring much more kindness, respect, and treat one another as human. We live in the same world, we breathe the same air. We are living in the same place. Treat one another as your brothers and sisters.”
Ang Filipino designer Mak Tumang ang gumawa ng kanyang evening gown.
- Latest