^

Pang Movies

Jake at Chie pareho ang ‘baby,’ sarado ang pinto sa pulitika!

Salve V. Asis - Pang-masa
Jake at Chie pareho ang âbaby,â sarado ang pinto sa pulitika!
Chie

MANILA, Philippines — Ang saya-saya ng lovelife ngayon ni Jake Cuenca.

Pero mas lowkey na sila sa social media, hindi gaanong nagdi-display. “As I mentioned earlier, I can confidently say that this is the happiest I’ve been in a long time, personally. But also, I have to say, maybe this is also the happiest I’ve been in a long time because I keep it more private now. Of course, I share naman what I can. Pero hindi na siya ‘yung parang nagiging centerpiece ng buong buhay ko,” pag-amin ni Jake sa isang interview.

At ‘yun daw ang decision ni Chie Filomeno. “Yeah, yeah. Ang galing nga, kasi she also wants it that way.”

Tho hindi naman talaga masasabing lowkey. “Hindi, sabi ko nga, we, in this high-profile world, ‘di ba, but we find the way. Kasi nga parang ang galing, like I said, what I always say what I love about her is like, ‘yung simplicity niya eh. It’s her simplicity, and for her, it’s her appreciating what she has. 

“Na sobrang dami ko natututunan just by seeing how she does it. I was telling them, kanina na, I’m much older than her. I’m a senior actor than her. So, you think I’m the one always teaching her, which I do in the world. Kunyari, if it’s about acting or perfor­ming, of course, tina-try ko siya i-guide. Pero siya naman, she teaches me so much about life. Kasi parang nakikita ko how she makes the most of what she has. And then, parang, it makes me look inwards and say, na parang, ‘Jake, you can do that’. Parang, you can appreciate more what you have, like what she’s doing. So, ang dami kong natutunan sa kanya.”

Pero aniya, wala pa sa mga plano nila ang magka-baby.

“Wala pa, wala pa. I can say naman, wala pa ako ru’n.”

Bago baby, kasal muna? “Hindi, ‘yung baby naming dalawa siguro ‘yung career namin. ‘Yung motor ko, ‘yung baby ko. Actually, kahit nga si Pau (Paulo Avelino). ‘Di ba? Kasi talaga, ang laki na ng mga anak nila.

“Nakaka-proud. But I have a baby sister that I take care of. Nasa Ateneo siya ngayon. And she’s on the honors list. So, for me, pangako ko sa sister ko, papatapusin ko muna mag-aral sister ko bago ko atupagin ‘yan, which is two more years to go.”

Dagdag pa niya : “For now, parang me and Chie, we still have a lot of big dreams. Like, I still have a lot of things to accomplish. Sa akin naman, I think, when the right time comes, I’ll feel it. We’ll both feel it. But for now, parang, I want to see her achieve those dreams. Saka, for me, Parang, there’s still other things that I’m going to do. I mean, outside of acting, eh. Like, I’m still going to study to be a director and a producer. So, it takes time. I think I need to put those things in place first before I start, you know, moving to the next page.

“Maganda naman, me and Chie are on the same page with this.”

Samantala, wala sa bokabularyo niya ang pulitika, as in sarado ang pintuan niya sa kasalukuyan.

“I think for now. For now, I’d say, yeah. But I do wish, ‘di ba, I do wish for the country or do wish para sa bansa na to put the right officials there. Kasi ako, nararamdaman ko na kailangan ng bansa natin ’yung mga tamang tao na nakaupo talaga. So for me, parang ako, I can only speak for myself. Obviously, like, even if I had the heart for it na I want to help, ‘di ba, I also have to ask myself, ‘do i have the mind for it,’ ‘di ba? Can I really, really be of service to the Filipino people or my community or land, ’di ba? Ako naman, eh, the people can vote for whoever they wanna vote for.

 “Ako talaga, it’s not my thing. It’s more my lolo’s thing. It’s his world and he’s made an indelible mark in politics. I don’t wish to shut that or pass that. Saka for me talaga, honestly, like, I’m just proud to be, you know, part of show business, be part of this industry and kung kaya kong itayo ‘yung bandera ng pagiging aktor, pagiging artist, I’m more along those lines,” dagdag pa niya patuloy ang magandang takbo ng career ni Jake na isa pinakamahusay na aktor ng industriya .

Kahit nga wala siyang regular na onscreen partner, matagumpay na naitaguyod ni Jake ang kanyang stellar career bilang isang dedicated at seryosong actor.

Consistent siya sa pagpapakita ng kanyang husay sa paganap, at nagbukas ang mga pinto para sa kanya sa dalawang monumental projects na nagdala sa kanya sa dalawang major higanteng streaming platforms.

Pumirma kamakailan si Jake ng three-year renewal contract sa kanyang home network na ABS-CBN. Humigit dalawang dekada na si Jake sa industriya. Nung 2009, napansin at lalong nakilala si Jake sa kanyang papel bilang David “Dave” Garcia Jr. – bilang isang sundalo sa teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Ang papel na ito ang nag-angat sa kanya sa kasikatan, lalo pa’t sumikat din ang show sa Asya at Africa. At sa paglipas ng mga taon, he has continued to push boundaries, taking on a diverse array of leading and suppor­ting roles sa iba’t-ibang TV projects.

Noong 2022, muli nanamang gumawa ng ingay si Jake sa action-packed teleserye na The Iron Heart, sa kanyang role bilang si Eros del Rio – ang central antagonist ng ikalawang season ng show. Agad itong sinundan ng kanyang key role sa critically acclaimed thriller na Cattleya Killer, bago siya bumalik sa leading man status sa Viu original na K-Love.

At kamakailan lamang, nagbida si Jake sa Philippine adaptation ng K-drama na What’s Wrong With Secretary Kim. Ginampanan niya ang papel ng misteryosong si Cyrus “Morpheus” Castillo. Habang romance ang primary focus ng show, ang karakter ni Jake ang nagbigay ng addded layer of complexity sa istorya, sapagkat si Cyrus ang nagbigay ng main conflict sa serye.

Sa pelikula naman, marami ring impressive performances si Jake. Lumabas siya sa mga mainstream titles gaya ng In the Name of Love, My Neighbor’s Wife, at Status: It’s Complicated, ngunit ang kanyang paganap sa indie scene ang nagbigay sa kanya ng international acclaim.

Ginampanan niya ang papel ni Jake in Mulat (Awaken) at nag-uwi siya ng dalawang Best Actor awards para sa kanyang efforts: isa sa International Film Festival Manhattan nung 2014 at isa mula sa World Cinema Festival lsa Copacabana noong 2016, kaya naman naging lehitimong globally recognized talent siya.

At ngayon, malapit nang mapanood si Jake sa inaabangan na Prime Video series na What Lies Beneath, na mapapanood din sa Kapamilya Channel. Sa direksyon ni Dado Lumibao sa ilalim ng ABS-CBN business unit na RCD Narratives, umiikot ang serye sa isang murder mystery sangkot ang anim na kababaihan at dalawang lalake, at ang karakter ni Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya habang tumatakbo sa isip ng mga manonood ang tanong na: Siya nga ba talaga ang gumawa?

As if dominating one major platform wasn’t enough, Jake’s next project brings him to Netflix with the original film The Delivery Guy, sa ilalim ng direksyon ni Lester Pimentel. At sa thrilling, high-octane film na, gagampanan ni Jake ang papel ng isang ruthless mafia boss. Susundan ng pelikula ang isang ordinaryong lalake na masasangkot sa isang extraordinarily dangerous situation.

Sa paghe-headline ni Jake sa dalawang proyekto sa dalawa sa pinakamalaking streaming platforms sa buong mundo, talagang hindi maide-deny ang kanyang in-demand status.

Ang kanyang kakayahan na gampanan ang complex, challenging roles allows him to push the boundaries of his craft, solidifying his legacy as one of the most respected and formidable actors sa Pilipinas.

His command over the screen proves that there is no one quite like him.

Winner sa magpasikat BINI, pinag-shopping ni Ogie

Si Ogie Alcasid, kasama sina Kim Chiu, MC at Lassy, ??ang nanalo sa Magpasikat ngayong taon sa It’s Showtime, Sabado.

 Nangunguna nga ang Team Ogie, kasunod ang team ni Jhong Hilario kasama sina Jackie at Cianne, habang pumangatlo naman ang team ni Anne Curtis kasama sina Jugs at Teddy.

Anyway, sosyal ni Ogie dahil ipinag-shopping pala niya ang BINI sa Los Angeles, California.

Inamin ni Ogie, sa ginanap na mediacon para sa OgieOke 2 Reimagined, kung saan nga magiging guests niya ang BINI, kaya naman naging malapit na rin ang grupo sa kanya.

“Actually, mayroon kaming collab na gagawin. It’s titled ‘Sige, Galaw, Galaw.’ Dapat ire-record na namin nitong November, pero hindi natuloy kasi nga, bigla silang nag-concert sa Araneta. So, medyo busy sila.

“So, nakiusap sila na kung pwede ba na next year na namin i-record ‘yung collab. Sabi ko, walang problema,” pag-aalala ni Ogie.

At ang sumunod nagkita sila ay Los Angeles para sa ASAP kaya’t biniro niya ang mga ito ng “gusto n’yong mag-shopping?”

 Nag-yes ang girls at nagsigawan pa nga raw. Kaya binigyan niya sila ng pang-shopping.

 “Natutuwa lang kasi ako sa mga batang ‘yan and I’ve always been a supporter of them. So their success is something that I’m blessed to see, to witness. So, natuwa lang ako. Parang regalo ko lang sa kanila ‘yun,” sey ni Ogie.

 “Nu’ng tinanong ko kung pwede ba silang mag-guest (sa ‘OgieOke 2’), walang kaabog-abog, ‘of course, we’ll adjust to your schedule,’” kwento ng OPM singer sa nasabing presscon na ginanap sa Kamuning Bakery.

At thankful siya dahil wala raw kahirap-hirap na kausap ang handlers at management ng BINI kaya sobrang thankful niya.

 “In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” aniya.

 “Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” pagbibiro pa ni Ogie.

 “But no, of course, we allotted talent fee for them,” pahabol naman niya.

 At nang tanungin kung saan niya ipinag-shopping ang BINI girls, chika ni Ogie, “I think, nag-Sephora (beauty and cosmetic shop) yata sila. Mahilig pala talaga sila sa makeup.”

Anyway, kakantahin ng BINI sa concert ni Ogie ang hit song nilang Salamin, Salamin at magdu-duet sila ng Dito sa Puso Mo.

Magdu-duet din sila ni BINI Maloy ng bagong version ng Hanggang Ngayon.

 Bukod sa collab nila, ang isa pang bagong makikita sa OgieOke 2 Reimagined ay ang mga bagong arrangement ng kanyang hit songs.

 Uulitin din niya ang performance niya sa Magpasikat 2024 kung saan ay tumugtog siya ng piano while singing na umiikut-ikot sa ere.

 Ang OgieOke 2 Reimagined ay magaganap sa Nov. 30 at the Newport Performing Arts Theater.

JAKE CUENCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with