^

Pang Movies

Soliman Cruz, nangilabot sa Venice Filmfest

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Soliman Cruz, nangilabot sa Venice Filmfest
Soliman

Hindi gaanong napabalita sa Pilipinas na nagbida na sa isang international movie ang underrated Filipino actor na si Soliman ‘Sol’ Cruz sa pamamagitan ng To the North where he played the lead role along with a Romanian actor na si Niko Becker at ito’y sinulat at dinirek ng Romanian writer-director na si Mihai Mincan. Said movie was premiered at 79th Venice Film Festival kung saan pinalakpakan at binigyan ng standing ovation si Sol sa kalagitnaan ng screening ng pelikula.

Ayon kay Sol (na aming nakapanayam for our online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo), naiyak umano siya nung mga oras na ‘yon hindi dahil sa pelikula kundi sa na­ging reception ng audience habang ini-screen ang kauna-unahan niyang international film sa prestigious Ve­nice International Film Festival.

Hindi niya na ininda ang jetlag at mahabang biyahe mula sa Pilipinas at ang delay at pagkawala ng kanyang bagahe sa Venice, Italy.

Nasa grade school pa lamang si Sol nang magkainteres siya sa larangan ng acting na kanyang sinimulan sa entablado at kanyang natutunan sa retired professor, playwright and stage director na si Onofre Pagsanhan ng Ateneo de Manila University. “Hindi po ako nag-aral sa Ateneo,” pagkaklaro niya.

“Isa lamang po ako sa maraming anak ng mga sundalo na nabigyan ng pagkakataong maturuan ni Prof. Onofre nung nasa grade school pa kami,” kuwento ni Soliman.

Isa umano si Prof. Onofre sa kanyang tinitingala dahil ito umano ang kanyang naging inspirasyon sa kanyang pagkahilig sa larangan ng pag-arte (sa entablado).

To give back, ginagawa rin ito ni Soliman sa mga estudyante in public schools sa tuwing wala siyang shooting, taping o ibang commitments. Libre siyang nagbibigay ng acting workshop sa mga kabataang may hilig sa sining.

Just recently habang nasa lock-in shooting siya ng pelikulang In Thy Name (na pinagbibidahan ng actor na si McCoy de Leon) in Nueva Ecija ay naghanap umano siya ng public school students sa nasabing lugar na kanyang mabibigyan ng acting workshop at mahigit 100 students ang nag-join.

Naging passion na ni Soliman ang magturo at magbigay ng acting workshop sa mga kabataan na nagmula sa mahihirap na pamilya, isang bagay na hindi alam sa kanya ng publiko.

Given the opportunity and time, gusto ng veteran actor na bumalik sa pag-aaral in college at gusto umano niyang mag-aral ng education dahil sa kanyang passion sa pagtuturo laluna sa mga kabataan.

Bahagi ng kwento ng buhay ni Soliman ay ang kanyang pagiging drug dependent noon na umabot ng dekada at labas-masok umano siya noon ng rehab na umabot ng pitong beses.

May tatlo siyang anak sa dalawang magkaibang babae pero solo siyang namumuhay pero bukas umano ang kanyang komunikasyon sa kanyang mga anak.

SOLIMAN CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with