^

Pang Movies

Election 2025, dinadagsa ng mga celeb; balota ni Marian may paalala!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Election 2025, dinadagsa ng mga celeb; balota ni Marian may paalala!
Marian Rivera

Talagang star-studded ang magaganap na mid-term elections.

Parami ang mga celebrity na humahabol sa pagpa-file ng certificate of candidacy.

Tho si Marjorie Barretto kumbaga ay expected na dahil nauna na siyang nag-ikot sa ibang lugar sa Caloocan  na minsan daw ay kasama pa si Gerald Anderson.

Pero aniya ay pinag-isipan niyang mabuti ang pagbabalik sa politika, kung saan lalaban siyang konsehal sa Caloocan.

Post niya : “After a lot of thought, prayers and clear signs, i filed my COC for City Councilor yesterday under #TeamAksyonAtMalasakit

“These past few months has been quite a journey… the thought of going back to public service after more than 10 years has been challenging, terrifying and exciting. Grateful to Mayor Along Malapitan and Congressman Oca Malapitan for their trust and confidence in me. I have gained a renewed sense of purpose .”

Pero sino kaya ang mga hahabol ngayong araw sa pagpa-file ng COC?

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa 2025 midterm polls ay hanggang ngayong araw na lang, October 8 na nag-umpisa noong October 1.

Kabilang nga rin pala sa mga nag-file ng COC kahapon, sina Aljur Abrenica, Cai Cortez, Abby Viduya, Ryan Yllana, Yeoj Marquez, at Shamcey Supsup.

Anyway, ang payo ng iba, panoorin nila ang pelikulang Balota ni Marian Rivera na napanood sa ginanap na Cinemalaya Filmfest at malapit nang mapanood sa mga sinehan - October 16.

Sa talk back session sa Cinemalaya ay ibinahagi ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng Balota: “Ang pelikulang Balota ay wake up call para sa atin. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako,’ sana marealize ng mga tao ‘yun.”

Greta, nagpa-ty kay Heart

Ahh si Heart Evangelista pala ang naging ins­pirasyon ni Gretchen Barretto kaya alagang-alaga niya ang sarili.

“You have to really take care of yourself. Like I said, mentally, physically, emotionally, spiritually,” umpisa ni Gretchn sa pag-uusap nila ni Dra. Aivee Aguilar Teo habang nasa clinic ang partner ni Tony Boy Cojuangco.

Nag-viral nga si Gretchen recently dahil sa kanyang youthful looking photos.

As in napa-wow ang lahat at napa-sana all.

Kasi pala, 34 lang ang waistline niya. Parang pang teenager kumbaga.

“Well, Heart inspired me, right?

“When we saw her the last time, I was telling her, Heart, you inspired me. I said, wait a minute. She’s alive; she’s vibrant; she’s very energetic. So I said, let’s go for it. Let’s go for it.

“Okay, now, Heart I’m size 34. Thanks to you,” kumpisal ni Gretchen sa derma ng mga sikat na celeb.

“I know. See, Heart, you’re inspiring all of us,” sabi naman ng doktora.

“You’re inspiring the Titas of Manila,” susog naman ni Gretchen na ang tinutukoy nga ay si Heart,

Kaya naman daw, Heart is doing a good job.

“Doing a very good job. Excellent,” dagdag ni La Greta sa kanilang pag-uusap sa isang Reel video ng doktora.

 “And she looks good. She’s happy. She’s owning her own stage,” sabi ulit ng doktora na inayunan ni Gretchen.

“She is above all. Yes! And that’s why she’s very happy.”

Kaya naman daw, cine-celebrate niya ang mga tagumpay at kagandahan ng maraming kababaihan

“You must be happy for others,” na aniya ay pinaka-importanteng bagay sa lahat.

Pero nauna na ring nabanggit ni Heart na gandang-ganda rin siya kay Greta,

Nung minsan nga raw na nagkasabay sila sa clinic, nagbigay pugay talaga raw si Heart.

Bongga si Gretchen na kahit na nga hindi siya active sa showbiz, hot item naman siya sa social media.

At higit sa lahat, kahit isang lola na siya ini-enjoy niya ang buhay lola!

Ibinahagi nga ni Dominique Cojuangco ang photo ng kanyang ina kasama ang kanyang apo, si Penelope.

Nakatitig si lola Gretchen sa kanyang apo habang nakaupo sa kama.

Samantala, bumalik naman kaagad sa trabaho si Heart Evangelista pagdating niya ng Pilipinas matapos niyang patunayan na patuloy siyang nagdadala ng milyong dolyar na halaga ng exposure sa mga international fashion event.

Sa isa sa mga pinakabagong post sa website ng Lefty, pasok siya bilang bilang isa sa mga nangungunang 10 influencers sa ginanap na Paris Fashion Week, kasama ang iba pang mga kilalang pangalan tulad nina Kylie Jenner, Cardi B, at Cha Eunwoo.

Ayon sa post, nagdala si Heart ng $5.1 milyon na halaga ng EMV sa 15 shows PFW.

Ang Lefty ay isang platform para sa marketing ng mga influencer.

Sabagay millions ang views niya sa mga Reel gamit ang mga OPM song.

As in parang napaghandaan niya ang tatlong fashion week na dinaluhan niya - Milan Fashion Week, Paris and Thailand Fashion Week.

Nag-post siya ng maraming beses sa Instagram tungkol sa PFW kabilang na ang mga behind the scenes nila ng kanyang glam team.

Na kahit mga luxury brand ang kanyang sinusuot at wearable kaya’t inaabangan ng kanyang followers.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with