^

Pang Movies

Billy, wasak ang puso sa pagkamatay ng tatay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy, wasak ang puso sa pagkamatay ng tatay
Amari, Billy at Jack

Wasak ang puso ngayon ni Billy Crawford dahil sa pagpanaw ng kanyang ama.

Kinumpirma mismo ng TV host/singer ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media.

Kahapon, Sept. 22, nag-post si Billy sa kanyang Instagram page ng mensahe para sa yumaong ama na matagal na panahong nanirahan sa Texas, USA.

Sa kanyang IG post, humingi ng paumanhin si Billy dahil hindi man lang daw niya nakita at nakausap ang kanyang tatay sa huling sandali nito.

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart,” ang bahagi ng IG post ni Billy.

“Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ.

“I’ll truly miss you, my main man! Love, your son. Billy Joe CRAWFORD,” mensahe pa niya sa kanyang ama.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikisimpatya at pakikiramay sa pamilya ni Billy mula sa kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng entertainment industry.

Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Jack Crawford ay sina Aga Muhlach, Alex Gonzaga, EA Guzman, Zack Tabudlo, Carla Abellana, Sam Concepcion, Gloc-9, Jessy Mendiola, Ryan Bang at marami pang iba.

Sharon, gamit na gamit sa handaan!

Aliw na aliw si Sharon Cuneta sa kumalat sa online na larawan ng isang handaan.

Sa photo ay makikita ang buffet table at sa itaas nito ay nakapaskil ang larawan ni Sharon na may marking X which means “bawal magbalot.”

Ini-repost ng Megastar ang nakakaaliw na larawan at sa caption ay tawa siya nang tawa.

“Hahahahahahaha! When I see buffets with my “balutin mo ako…” picture it makes me happy!!’ Good morning!!! I love you. Have blessed day!!!,” caption ni Shawie.

Ang pagkaka-connect ni Sharon sa mga nagbabalot sa handaan ay dahil sa kanta niyang Bituing Walang Ningning kung saan ay may linyang “balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal.”

Kaya naman sa tuwing may taong nagbabalot or nagte-take out ng handa ay ito ang kanilang kinakanta bilang pangangantyaw.

Noon pa ay tinatawanan ni Sharon ang ideyang ito at minsan nga ay siya pa mismo ang nagbalot ng handa habang kinakantahan ang sarili ng “balutin mo ako…”

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with