Carla certified diborsyada, perimenopausal na!
Kinikilala na pala sa Pilipinas ang diborsyo ng mag-asawang Pinoy na pinawalang bisa sa ibang bansa.
Naglabas na nga ang Korte Suprema na nagdesisyon na ang foreign divorce decrees ay hindi na nangangailangan ng judicial proceedings sa ibang bansa para kilalanin sa Pilipinas.
Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, nagdesisyon ang Supreme Court En Banc, na ang mga korte ng Pilipinas ay maaaring kilalanin ang mga diborsyo na nakuha sa ibang bansa, sa pamamagitan man ng legal o administrative process ng mutual agreement (https://sc.judiciary.gov.ph).
At pasok ito kina Tom Rodriguez and Carla Abellana. Maaalalang binanggit Carla sa isang interview namin na iba ang proseso sa Pilipinas ng divorce – that was late last year. Divorced na sila sa United States dahil American citizen si Tom, pero hindi pa that time sa Pilipinas.
“Matagal pa po sa Pilipinas, eh. So divorced po technically, but ‘yung sa Philippines in the process pa po ‘yung pag-recognize nila ng divorce decree,” paliwanag ni Carla sa tanong ng ilang entertainment press sa kanya that time.
Pero dahil sa inilabas na ito ng Supreme Court, legal na ang diborsyo nila.
Nadi-discuss na ni Carla na parang wala na lang ang lahat ng nangyari sa kanila ng dating mister. “Ayoko naman din pong balik-balikan. Ayoko po siyang pag-usapan palagi. I’m in that position na po na at least, kumbaga, kung tatanungin po ako, masasagot ko naman po nang maayos. It just shows na parang ‘you’re over it’... parang ganon, nakapag-move on ka na po.”
Ngayon ay wala na rin daw epekto kahit pa may mga wedding scene pa siya sa Widows’ War.
Ngayong legal na ang lahat, aaminin na kaya ni Tom na diumano’y may baby na sila ng bago niyang partner sa United States?
Samantala, limang taon na palang ang hypothyroidism ni Carla. At sa edad na 37, at hindi pa nagkakaanak, perimenopausal na raw siya (around menopause).
Aniya sa kanyang post : “Hypothyroidism has been the bane of the past 5 years of my life. My hormones were nowhere within normal range, cortisol level was extremely high for so long, i was practically perimenopausal at 37 years of age, and despite fasting (more like starving myself already), along with regular and stringent workouts, i was still gaining weight constantly.
“5 years. 5 Doctors. Numerous tests over the years. Countless medication in all sorts of combinations. Hundreds of thousands of pesos. Nothing seemed to really work long term.
“Unless you have Hypothyroidism, you’ll never know what the struggle, frustration, embarassment, worry and desperation is like. Most especially if weight and appearance are key factors in your line of work,” bahagi ng post niya kung saan nagpasalamat siya sa doctor na tumutulong sa kanya sa kasalukuyan dahil pumayat na siya.
Kira, inaming kinabahan sa halik ni LA!
Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Maple Leaf Dreams na 80% ng mga eksena ay shinoot sa popular spots sa Canada – Niagara Falls, CN Tower, Kensington Market, Eaton Center and downtown Toronto – umpisa sa Sept. 25.
Pangunahing karakter sina Molly at Macky na ginagampanan ng Star Magic artists na sina Kira Balinger at LA Santos (a.k.a. KirLA). Ang pelikula ay idinirek ni Benedict Mique na nasa likod ng hit Netflix film na Lolo and the Kid.
At hindi lang ito sa Pilipinas mapapanood, simula sa Sept. 27, ipalalabas din ito sa Canada –Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton, at Vancouver.
Ito ang unang pagkakataon na ang isang independently produced Filipino film ay ipalabas sa maraming lugar sa Canada.
“I would say it is a wide release in Canada because the chosen locations are typically targeted to play Filipino films,” said Roselle T. Lorenzo of Robe Entertainment.
Sa kwentong isinulat nina Benedict Mique at Hannah Cruz, ginampanan nina Kira at LA sina Molly at Macky, isang mag-asawang lumipat sa Toronto para maghanap ng mas magandang trabaho. Kasabay nito, nakakaranas sila ng mga personal, professional and cultural challenges na sumusubok sa kanilang desisyon at relasyon.
Filming in Canada for several weeks opened the eyes and hearts of Kira and LA to the beauty of the Great White North, and the real situation of Canada-based Pinoys. “Kahit maganda na ‘yung buhay ng mga kababayan natin doon, lagi pa rin nilang sinasabi sa amin na mas gusto pa rin nila sa Pilipinas,” revealed LA kaya talaga raw malalim ang tama nito sa kanilang.
At bilang mag-asawa, nagkaroon din sina Kira at LA ng kissing scenes dito.
Anong naramdaman mo nung first kiss ninyo?
“Kaba syempre, my ghad! Kagaya ng sinabi ko kanina, I was not prepared for that. Pero ayun nga sabi ni Direk eh eme. Pero it was part of the script, so ayun nga ulit, I’m happy that LA was my partner. I trust him, and we took it like a jam, so he did not take advantage of any of those scenes, so ayun,” banggit ni Kira.
Sagot naman ni LA : “Ako personally po, hindi lang naman kay Kira, sa lahat ng mga nakakatrabaho ko talaga I’m very very respectful sa mga tao po. Saka very respectful ako sa privacy nila, sa gusto nila sa buhay. Never ako nag-judge sa tao kaya I did my best to make Kira comfortable po. Saka ako rin naman talaga ganun akong tao po. I’m doing my best po na maging safe at maging happy ‘yung mga mahal ko sa buhay.”
Sa totoong buhay, ano bang relasyon nila?
“Marami po silang sinasabi so it’s up to you guys,” mabilis na sagot ni Kira.
“Yeah, saka kami naman ni Kira what you see is what you get talaga kami. Gusto ko rin talaga si Kira mag-grow pa as an artist, as herself. Saka ako hindi ko pinipilit ‘yung mga relationship na ganyan. Lalo na syempre ako nirerespeto ko si Kira kaya ako nandito lang ako palagi para sa kanya,” katwiran naman ni LA.
Anyway, the film has created anticipation among Fil-Canadian communities. “They are very excited to watch because this is their story,” dagdag ni Ms. Roselle. “A lot of Filipinos still miss home and watching a Filipino film is their way of connecting to the Philippines,” Roselle underscored.
Nauna nang nagkaroon ng advance screening ang Maple Leaf Dreams at pawang papuri ang natanggap ng pelikula lalo na sa powerful performances ng mga bida niya, dahil ramdam ng mga nanood ang mensahe nito.
Naipadama na kailangan mong ilaban ang iyong relasyon, paano maging Pinoy sa ibang bansa at gaano kahirap ang maging OFW.
Komento rin ng ilang mga nakapanood na:
“Hindi siya typical love story. Survival ito paano lumaban sa isang relationship, paano maging Pilipino sa ibang bansa, at paano maging mahirap,” ayon sa upcoming actor na si Mac Manicad.
- Latest