Ricardo, ‘di dumaan sa psychological treatment pagkalabas ng kulungan
Nagpapasalamat si Marina Benipayo sa mga sumuporta sa kanilang pamilya noong ma-detain ang partner niyang si Ricardo Cepeda ng 11 months sa kasong estafa.
Ayon pa sa former model and beauty queen, maayos ang lahat kay Ricardo kaya hindi na nito kailangang dumaan pa sa physical at psychological treatment sa paglaya niya.
“Malakas naman ang will ni Ricardo psychologically, spiritually, mentally. He’s a very strong person. I think normally ‘pag gano’n, kahit si Ricardo ‘yung few weeks na na-detain siya, talaga nag-iiba ‘yung cycle niya.”
Hindi rin biro ang naging sakripisyo ni Marina noong nilipat si Ricardo sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City. Dito raw na-test ang commitment nila ni Ricardo bilang life-long partners.
“I visited him every week. From April to mga August, mga twice a month kasi mahal din ang ticket ng eroplano. Tapos everything that I was working for went to the plane tickets and what he needed na. So you know, you would really do if halimbawa ‘yung commitment ninyo is strong with one another, you won’t give up, ‘di ba? Talagang you would still, kahit nakakapagod especially nung every week ako lumilipad.”
Noong tanungin ni Marina si Ricardo kung ano ang gusto nitong gawin pag-uwi nito, gusto lang daw nito na magpahinga.
“Sabi niya right now, gusto ko lang magpahinga. Kasi siyempre, I don’t think we can totally describe ‘yung pinagdaanan ni Richard doon, how it was emotionally, mentally, psychologically, ‘di ba?”
Japanese language coach, artista na rin
Ang Japanese language coach ng teleserye na Pulang Araw na si Ryoichi “Ryo” Rivera Nagatsuka ay isa ring promising singer at actor din.
Miyembro ang 26-year-old Fil-Japanese ng Japanese music trio na SkyGarden. Na-release last year ang album nila under AltG records na sub-label ng GMA Music.
Nakapagtapos ng economics si Ryo sa Nanzan University in Nagoya Japan. Nakapag-aral din siya sa Ateneo De Manila University.
Nagtrabaho si Ryo ng dalawang taon sa isang Japanese company bago siya nagdesisyong i-pursue ang pagpasok sa showbiz sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging language coach niya kina Dennis Trillo at David Licauco, gumaganap din siyang Japanese immigrant sa Pulang Araw.
Mariah Carey, baon sa utang dahil sa lifestyle
Baon nga raw sa utang ngayon ang singer na si Mariah Carey dahil sa kanyang lavish lifestyle.
Umabot na raw sa $18.6 million ang mortgage niya sa kanyang posh Tribeca apartment in New York. Umaasa na lang daw ang diva sa royalties ng kanyang mga sinulat na songs tulad ng All I Want For Christmas Is You.
Kung hindi raw mag-iiba ng lifestyle si Mariah, maba-bankrupt siya ayon sa isang financial manager ng celebrities.
“Mariah has a taste for the finer things, blowing a shocking $1 million a month on designer clothes, gifts and extravagant expenses. Think $45,000 spa treatments for her dogs, $100,000 a month on exotic flowers, and $10,000 per session for hair and makeup.”
May binabayaran din na utang ang singer sa iba’t ibang bangko na umaabot ng milyones.
- Latest