^

Pang Movies

Gerald, binitbit si Julia sa kanyang nanay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gerald, binitbit si Julia sa kanyang nanay!
Julia, Evangeline at Gerald
STAR/File

Nagkagulo na naman ang fans nina Gerald Anderson at Julia Barretto nang makitang magkasamang dumalo ang magdyowa sa birthday ng ina ng aktor na ginanap sa Gen. Santos City.

Yes, sumama si Julia sa hometown ni Gerald kung saan nga rin nakatira ang momsky ng aktor.

Mismong si Gerald ang nag-post sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Julia with his mom.

“Happy birthday Ma,” ang maikling caption ni Gerald.

Sa comment section ay sari-sari ang reaksyon ng fans at marami ang natuwa na okay na okay raw si Julia sa ina ni Gerald. Siyempre, kinantyawan na naman sila tungkol sa kasalan.

Anak nina Maja at Rambo, kristyano na!

Nabinyagan na ang first baby ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez na si Maria Reanna Nuñez nitong nakaraang Sept. 14. Makikita sa Instagram account ng aktres ang mga snaps and reels ng naganap na binyagan.

Makikita sa mga larawan at videos ang mga nagsidalong celebrities na sina Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, MJ Lastimosa, Thou Reyes, Kakai Bautista at celebrity dermatologist Aivee Teo.

Simpleng-simple lang ang ayos at suot ni Maja na naka-white pants and long-sleeves polo’t nakapusod ang buhok pero lutang na lutang pa rin ang ganda niya.

Matatandaang ipinanganak ni Maja si Baby Maria noong May 31, 2024 sa Canada.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with