Lolo…, iniiyakan pa rin
Patuloy na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid. Umaani rin ito ng mga papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.
Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.
Ngunit bukod sa mga Pinoy, tila hooked na hooked rin ang ilang international viewers sa heart melting story ng Lolo and the Kid.
Ang Lolo and the Kid ay pinagbidahan ng award-winning Filipino actors na sina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Tampok din dito ang singer-actor na si JK Labajo na gumanap bilang binatang version ng karakter ni Euwenn.
Maricar, hinimay ni Richard!
Hindi biro ang naging journey ng aktres na si Maricar Reyes matapos masangkot sa isang video scandal noon. Kaya naman, laking gulat ng mga tao nang maglabas siya ng libro tungkol dito at sa paglalakbay niya para unti-unting gumaling ang sakit na dulot ng pangyayari.
Kinuwento ng aktres kung ano ang nagtulak sa kanya sa pagsulat ng kanyang libro. “What happened, I feel like I’ve been turned inside-out kasi all my life, the way I would do things, the way I would live life na tama, is you try to look good, you do good, external stuff. Basta if you look good, people don’t see the bad stuff you’re doing, you’re okay,” sabi ni Maricar.
Pagpapatuloy ng aktres, nasira noon ang reputasyon niya at alam niyang hindi na niya iyon makukuha pang muli. Ngunit kalaunan ay natutunan niyang i-let go ang ideya na ang pagkakakilanlan niya ay ang kaniyang reputasyon. “What really needed work pala was my inside, hindi ‘yung panlabas ko na the external stuff I do. It’s actually my heart, there’s a lot of dark thing there na hindi ko alam dahil nga ang lakas ng exterior ko,” sabi ng aktres.
Kuwento ni Maricar, naging malaking tulong ang asawang si Richard Poon sa kanyang pag-move forward dahil sa honesty nito at kakayahang himayin kung ano ang totoong nararamdaman niya.
- Latest