^

Pang Movies

Rhian, nagdala ng banyo sa sasakyan

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rhian, nagdala ng banyo sa sasakyan
Rhian

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na nagpa-speed van tour.

Isa ang karelasyon ni Cong. Sam Verzosa sa mga celebrity na nag-invest sa kanyang mamahalin at customized work van o tinatawag na “artista van.”

“Here it is, my 2nd home (on wheels),” caption ng aktres sa kanyang ipinost na video ng tour sa sasakyan.

Customized daw ito ng Primera Klasse, na isa sa sikat na provider ng vehicle customization services sa bansa, na gumawa rin ng artista vans ng ibang celebrities gaya ng Global Fashion icon na si Heart Evangelista.

Sa loob ng van ni Rhian ay merong dalawang captain seats at sofa sa likod na pwedeng mag-transform na bed.

Meron din itong smart TV at WiFi na mula pa sa dalawang magkaibang providers.

Pero ang favorite part daw ng aktres ay ang kanyang full-size vanity mirror, na nasa unahan ng kanyang upuan at napapalitan ng ilaw ‘pag naghahanda siya. Importante nga ito sa mga gaya niyang artista lalo na kung nagmamadali siya sa pupuntahang event at doon na siya maghahanda sa kanyang sasakyan.

Bukod sa kama, meron din siyang microwave na nasa likod ng van at pati rin maliit na bathroom na nakaka-impress dahil meron itong toilet, sink na may automatic faucet, bidet at maliit na shower.

May nagkomento nga sa kanyang post na bagay na bagay raw ito sa gaya niyang Primera Class na artista.

Aliw rin ang komento sa kanyang video na naghihintay raw sila sa kanyang joke na kadalasan nga ay may banat na patawa ang aktres.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with